NAGBABALA ang isang cyber security firm laban sa mga malisyosong pagbati ngayong holiday season na ipinadadala sa pamamagitan ng ilang kilalang messaging platforms.
Batay sa Facebook post ng Cyber Security Philippines-CERT, isang nonprofit computer security incident response team, makatatanggap ng isang mensahe ng pagbati ang isang biktima.
Pero oras na mabuksan ito, dadalhin na ang biktima sa isang malisyosong website na humingi ng ilang mga personal na impormasyon o data.
Kasunod nito, kusa na itong magpapadala ng kahalintulad na mga mensahe sa contacts ng biktima.
Dahil dito, pinapayuhan ng Cyber Security Philippines ang mga mabibiktima ng nabanggit na pagbati na agad palitan ang password ng kanilang mga account sa bangko at social media.
Kabilang sa mga ibinabalang website ng Cyber Security Philippines ang wish-you.co; wish4u.com; my-msg.co; look-me.co; surprise4u.me.
Gayundin ang hookgist.com; see-magic.co; mera-style.com; whatsapp-style.co; see-magic.co; at (my-love.co). DWIZ882
Comments are closed.