MALIWANAG NA KALSADA HILING NG MMDA SA DPWH

benhur abalos

MALIWANAG na mga lansangan ang hinihiling ni Metro Manila Development Authority  (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ikinatuwiran ni Abalos  na napakahalaga ng mga ilaw sa lansangan para mabawasan kundi man maiwasan ang mga aksidente.

“Public safety is our utmost priority. Only one busted or broken light would endanger lives,” paliwanag nito sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng Department of Transportation.

Kapag wala umanong street lights, ay siguradong  nasa panganib ang mga motorista at mga komyuter.

“Part of road safety is making the road visible to all its users,” ayon kay Abalos.

Nangako naman si Public Works Undersecretary Rovert Bernardo na agad aayusin ang mga ilaw sa mga pangunahing lansangan sa loob ng 10 araw.

Binanggit naman nito ang  isyu ukol sa pagnanakaw sa mga ilaw at ibang electrical fixtures sa mga lansangan, kasama na sa mga tunnel at underpass.

Comments are closed.