NORTH COTABATO – PINANINIWALAANG kagagawan ng ISIS-inspired local terror group ang pagsabog sa isang mall sa Cotabato City.
Ito ang naging pagtaya ng Philippine National Police (PNP) hinggil sa nasabing trahedya na pumatay ng dalawa katao at sumugat sa 43 iba pa ilang oras bago magpalit ng taon.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana Jr., mas marami pang planong pag-atake ang teroristang grupo subalit dahil sa umiiral na martial law sa Mindanao ay hindi nakakaubra ang mga terorista.
Kaya panawagan nila ngayon sa publiko na maging mas mapagmatyag upang mapigilan ang mga planong panggugulo ng mga terorista.
Paliwanag ni Durana, na kahit may umiiral na martial law sa Mindanao ay aminado silang hindi lahat ng sulok ng nasabing rehiyon ay kanilang nababantayan kaya nalusutan katulad ng nangyaring pagsabog sa Cotabato City mall.
Mahalaga aniya ang pakikipagtulungan ng komunidad para mapanatili ang kapayapaan. REA SARMIENTO
Comments are closed.