PLANO nang ipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang adjusted mall hours sa Metro Manila lalo na ang mga matatagpuan sa EDSA dahil sa papalapit na buwan ng Kapaskuhan at inaasahan ang mas mabigat na daloy ng trapiko.
Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na sa Lunes, Oktubre 8 ay pupulungin nila ang mga mall owner at operators para sa pagpapatupad ng adjustment sa oras ng pagbubukas ng kanilang mga establisimiyento.
Nais ng MMDA na magbukas ang mga shopping mall ng alas-11:00 ng umaga mula sa dating alas-10:00 ng umaga.
Sa pagsasara naman ay bahala na ang mga mall owner at operator kung anong oras nila nais magsara.
Layunin ng MMDA na hindi magsabay-sabay o magdagsaan sa kalsada ang mga shopper at ang mga kawani ng shopping mall lalo na sa rush hours.
Kahit papaano ay makababawas ito ng trapik sa Kalakhang Maynila. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.