NAGBABALA si Manila Mayor Isko Moreno na ipasasara ang ilang mall sa lungsod kung patuloy na magbebenta ng mga nakaw na cellphone.
Ginawa ng alkalde ang anunsiyo matapos ang ginawa niyang pagprisinta sa ilang indibidwal na sangkot sa pagbebenta ng mga nakaw na cellphone.
Sa ngayon ay pinatitingnan na ng alkalde ang ilang mga mall na nagpapa-renta ng bentahan ng mga naturang produkto.
“Pinasa-saturate ko lahat ng mall, kasi itong mga mall, dati itong mga mall nagkaroon ng habit na nagpapa-upa ng mga tindahan ng cellphone. There’s a rampant of snatching, rampant of holdapping ng cellphone,” pahayag ni Moreno.
Pinasiyasat din ng alkalde sa tulong ng Manila Police District ang mga naturang mall at nakita na “G.S.M.“ o galing sa magnanakaw ang mga ibinebenta.
Comments are closed.