SIMULA ngayong araw ay magsasara na ang mga mall sa Metro Manila bilang bahagi ng community quarantine at pag-iingat sa pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19 na kumitil na ng buhay ng 11 katao.
Nag-anunsiyo kahapon na magsasara na ang SM Malls. Mananatili namang bukas ang mga supermarkets, hardwares, drugstores, health clinics, banks, at iba pang basic service providers sa loob ng mall.
Sabado ng gabi nang nagpasyang magsara ang Robinsons Malls at Ayala Malls.
Ikinokonsidera nang pandemic ng World Health Organization ang COVID-19.
Comments are closed.