MALAKI ang posibilidad na bagong mukha sa Kapitolyo ng Malolos City ang makita pagkatapos ng nakatakdang May 2019 mid term elections bunga ng patuloy na pag-angat ng kandidatura ni Malolos City Mayor Atty. Christian Natividad sa kanyang pinakamahigpit na makakalaban.
Kumpirmadong si Mayor Natividad ang napupusuan ng malaking porsiyento ng mga bulakenyong iluklok sa Kapitolyo sa darating na halalan sa Mayo kung saan posibleng dominahan nito ang Unang Distrito ng Bulacan na kinabibilangan ng Malolos City, Hagonoy, Calumpit, Pulilan, Paombong at Bulakan.
Maging sa ikalawang distrito ng Bulacan at gayundin sa mga bayan ng Angat, Norzagaray, San Jose del Monte City at Meycauayan City ay matunog ang pangalan ni Mayor Natividad dahil sa kanyang mga nagawa para higit pang mapaunlad ang Malolos City sa panahon ng kanyang tatlong terminong panunungkulan at inaasahang hahalili sa kanya sa naturang lungsod si Malolos City Vice-Mayor Bebong Gatchalian na hindi rin matatawaran ang naiambag sa kanyang mga constituent kung serbisyo-publiko ang pag-uusapan.
Si Mayor Natividad ay anak ni yumaong Cong. Teodulo Natividad na kilalang Agila ng Bulacan dahil isa itong mahusay na lingkod-bayan at pilantropo at nasundan ito ng kanyang anak na alkalde na isinusulong ng malaking porsiyento ng mga bulakenyo sa apat na distrito para maluklok bilang susunod na gobernador ng lalawigan.
Maging sa munisipalidad ng Guiginto, itinuturong balwarte ng kanyang makakalaban, ay matunog ang pangalan ni Mayor Natividad dahil sa dami ng kanyang natutulungan kapag lumalapit sa kanyang tanggapan habang wala pang kumpirmasyon kung sino ang magiging tandem ni Mayor Natividad para sa darating na May 2019 elections. A. BORLONGAN
Comments are closed.