MALPASS SUPORTADO NG PH

David Malpass

NAGPAHAYAG ng suporta ang pamahalaan ng Filipinas sa nominas­yon ni United States Treasury Undersecretary David Malpass bilang bagong presidente ng  World Bank.

Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez III, ang pamumuno ni Malpass ay magandang oportunidad para makipagtulungan ang multilateral institution sa Asian Development Bank (ADB).

“With Malpass leading reforms from the World Bank, a close collaboration of the bank with ADB would be the best answer to respond to the global financial reform agenda in the Asia-Pacific region. This will also allow both institutions to build on each oth-er’s strengths,” sabi ni Dominguez.

Sa pag-uusap nila sa telepono, ipinagbigay-alam ni Dominguez kay Malpass ang kanyang panukala sa  ADB to “reinvent itself and to realign its programs to meet new realities,” na unang tina­lakay ng Finance chief noong siya ay nasa Yokohama, Japan para sa 50th Annual meeting ng ADB noong 2017,  at  inulit niya noong chairman siya ng Board of Governors ng bangko para sa 51st Annual meeting sa Maynila noong nakaraang taon.

“I want to congratulate you on your nomination and to let you know that we fully support your candidacy as president of the World Bank,” wika ni Dominguez kay Malpass.

Pinasalamatan naman ni Malpass si Dominguez sa kanyang suporta at sinabing hangad niyang maka-pag-usap pa sila ng Finance chief hinggil sa  development agenda ng Filipinas.

 

 

Comments are closed.