Malugod na tinatanggap ng TURISMO Party list ang buong suporta ng BARMM sa pagtataguyod ng sustainable tourism

Malugod na tinatanggap ng TURISMO Party list ang buong suporta ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pagtataguyod ng sustainable tourism sa rehiyon. Sa isinagawang pagpupulong nitong Miyerkules, Disyembre 11, 2024, mainit na tinanggap ni BARMM Chief Minister Murad Ebrahim si TURISMO Party-list Nominee Wanda Tulfo at tinalakay ang mga paraan para mapaunlad ang industriya ng turismo sa BARMM. Pinapalakas ng BARMM ang mga lugar ng turismo, mula sa mga malinis na dalampasigan sa Basilan at Tawi-tawi hanggang sa mga nakamamanghang lawa at talon ng Lanao del Sur at ang magagandang engrandeng mosque sa Maguindanao.