MALUHONG MGA CR IPINATIGIL NG DND

Defense Secretary Delfin Lorenzana-3

IPINATIGIL ng Department of National Defense (DND) ang sinasabing maluho at mahal na  comfort rooms na kabilang sa isinasagawang renovation sa main building  ng ahensiya.

Ito ay kasunod ng ipinalabas na “red flag notice” ng Commission on Audit (COA) hinggil sa hinihinalang overpriced na installation ng air conditioning units sa mga banyo na lalagyan din ng hot and cold shower.

Ayon kay Defense spokesperson Arsenio Andolong, agad na ipinatigil ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang proyekto matapos na makarating sa kanyang kalaman ang report ng COA.

Sinasabing,  “impractical, uneconomical, and unnecessary”  ang nasabing  air conditioned comfort na bahagi ng P6.4-million beautification project ng  DND.

Ayon kay Lorenzana, iginagalang nila ang naging obserbasyon ng COA hinggil sa nasabing proyekto kaya’t minabuti nitong ipatigil na upang isailalim sa pagrerebisa.

Nilinaw ng kalihim, bilang institusyon ay mandato ng COA na busisiin kung nagagastos nga ba ng mabuti ang pondo ng bayan at kung nagagamit ba ito para pagsilbihan ang mga Filipino at hindi ang iilang tao lamang.

Paglilinaw pa ng kalihim, kahit aprubado na ng Kongreso ang pondo ay  hindi ibig sabihin ay wala nang karapatan ang COA na mang-usisa at pumuna.

Sa report ng COA nagkaroon ng unnecessa­rily spending ng P553,000 para sa air-conditioned comfort rooms ang DND at sa Annual Audit Report (AAR), sinabi ng state auditors na ang gastos sa renovation, remodelling ng mga comfort rooms ay labag sa procurement law.

Katwiran naman ng DND layunin nila na makasabay sa gusali ng kanilang counterparts sa ibang panig ng mundo lalo pa at ang DND building ay lagi ng dinadalaw ng fo­reign diplomats. dignitaries, foreign  defense,  military officers at  attaches. VERLIN RUIZ

8 thoughts on “MALUHONG MGA CR IPINATIGIL NG DND”

  1. 258249 101626You produced some decent points there. I looked more than the internet for your problem and discovered many people will go along with together together with your site. 859701

  2. 990119 865147An interesting discussion is worth comment. I believe that you ought to write a lot more on this subject, it might not be a taboo topic but usually people are not enough to speak on such topics. Towards the next. Cheers 856630

Leave a Reply

Your email address will not be published.