SUPERFOOD kung ito ay tawagin. Maaari ring Miracle Tree. Ito ay ang Moringa o Malunggay. Madalas na matatagpuan ito sa likod ng bahay natin. Nasa loob lang ng ating bakuran o bakuran ng ating kapitbahay. Masuwerte tayo dahil naririto lamang sa Filipinas ang sinasabing makatutulong o makagagamot sa Novel Coronavirus o nCoV. Pinalalakas ng malunggay ang ating immune system. At habang malakas ang immune system ay nalalabanan ng ating katawan ang sakit o virus.
Usong-uso ngayon ang sakit na Novel Coronavirus o nCoV. Napakadaling kumalat sa iba’t ibang lugar maging sa buong mundo. Dagdagan pa ng bird flu na nakukuha sa mga ibon at chikunggunya mula sa kagat ng lamok.
Sari-saring sakit dala ng malamig na panahon. Tumatama kasi ang mga nasabing sakit sa mga tao kung malamig ang panahon. Dito nagkakaroon ng ubo, sipon at trangkaso. Ang mga virus ay hindi namamatay sa malamig na klima, bagaman ito ay mas madaling dumami at madaling mabuhay.
May mga paraan naman daw upang maiwasan ang iba’t ibang sakit. Ayon sa Department of Health, wala pang bakuna o gamot ang makasusugpo sa sakit na nCoV. Ang pinakamabisang paraan lamang na maiwasan natin ay umiwas sa mga matataong lugar, maghugas palagi ng kamay samahan pa ng alcohol, uminom ng maraming tubig at higit sa lahat, kumain tayo ng “malunggay.”
ANO ANG MALUNGGAY
Ang malunggay o Moringa Oleifera ay isang halaman na may maliit na puno at may mabibilog na dahon. Tumutubo ito sa mga tropical country tulad ng Filipinas. madali lamang itong mabuhay. Kadalasan din natin itong makikita sa bakuran ng maraming Filipino.
ANO ANG MAYROON SA MALUNGGAY?
Ang malunggay ay mayaman sa bitamina A, B, C. Nagtataglay rin ito ng minerals, protein,Vitamin B6, riboflavin, magnesium, beta-carotene, iron at amino acid. Ayon sa pag-aaral, ang dahon ng malunggay ay mabisang panggamot sa maraming sakit. Mabisa itong gamot sa sakit ng ulo, pagdurugo ng sugat, bacterial at fungal skin. Anti-inflammatory rin ito para sa may gastric ulcers, diarrhea at malnourish. Isa rin itong halaman na napakalaking ambag lalo na sa mga ina na bagong panganak dahil nakatutulong ito sa pagkakaroon ng gatas.
Nakatutulong din ang naturang gulay upang maiwasan ang free radicals, stress, mapababa ang blood pressure at blood sugar. Nakapagpapababa rin ito ng cholesterol. Mainam na pampurga o deworming. Gamot din ito sa UTI. Mainam din ito sa atay at masasakit ang kasukasuan.
Samantalang ang buto naman nito o bunga ay nakagagamot sa arthritis, rheumatism, gout at pamamanhid. Mainam din itong gamot sa mga low-blood o may mababang blood pressure. Isa rin itong aphrodisiac.
Marami pa ang nakukuhang gamot o benefits sa halamang ito. Ang iba ay ginagawa itong shampoo, oil, sabon, perfume, fertilizer at supplement. Masarap itong ihalo sa pagkain tulad ng soup, shellfish, munggo, at marami pang iba.
BABALA:
Ang dahon ng malunggay at bunga nito ay safe kainin basta huwag lang ang ugat nito sapagkat ito ay may toxic substance na nakakapag-paralize o balda sa tao at maaaring ikamatay rin ang dagta nito kung makakain. CYRILL QUILO
Comments are closed.