(ni CYRILL QUILO)
HALOS laganap sa buong mundo ang COVID-19. Marami sa ibang bansa ang tinamaan na nito. Maging sa ating bansa ay mayroon na ring naitalang kaso nito. Hindi natin alam kung sino ang carrier. Maaring nakaharap mo kanina, noong isang araw o kung saan mang kugar. Maaaring sa mga sinakyang pampublikong sasakyan.
Ayon sa ilang pag-aral, tinatamaan ng COVID ang mga taong nasa edad 40 pataas gayundin ang mga lolo at lola natin na mahina na ang resistensya. Upang matalo ang sakit na ito, kinakailangan nating palakasin ang ating immune system.
Dahil sa halos wala nang mabiling mga facial mask upang protektahan ang ating pamilya, nagpa-panic buying na rin ang mga tao sa pagbili ng mga alcohol na nakatutulong upang maiwasang mahawa ng naturang sakit.
Ang corona virus disease 2019 (COVID-19) ay isang virus na nakukuha ng hayop at tao kung saan ang respiratory ang kanyang tina-target. Nag-umpisa ito sa Wuhan, China. Pinanininwalaang dahilan ito ng pagkain ng exotic food ng Intsik doon tulad ng bats, snake, camels at iba pa.
Ang sintomas nito ay ang pagkakaroon ng ubo at sipon hanggang sa mauwi sa trangkaso kung saan pahihinain at aatakehin ang iyong immune sys-tem. Dahil sa wala ng mabiling mga pamproteksiyon, maaari tayong gumawa ng paraan at humanap ng solusyon nang hindi mahawahaan ng nakatatakot na sakit.
Bilang Pinoy na madiskarte, magkaubusan man ng facemask at alcohol, maaari tayong gumawa ng alternatibong paraan upang mapalakas ang ating immune system nang hindi basta-basta mahawa ng sakit. At isa nga sa paraang iyan ay ang malunggay. Isa ang malunggay sa sinasabing nakatutulong upang malabanan ang nasabing sakit. At dahil ang mga bata ay mahirap mapakain ng malunggay, isang paraang maaari nating gawin ay ang gawin itong malunggay powder.
PARAAN NG PAGGAWA NG MALUNGGAY POWDER
Isa nga naman ang malunggay sa napakadali lang tumubo. Karamihan nga yata sa atin ay may tanim na malunggay sa bakuran. Napakarami ring si-nasahugan ang malunggay. Swak itong isama sa tinola at munggo.
Simple lang ang paggawa ng malunggay powder. Una, hugasang mabuti ang fresh malunggay o ang dahon ng malunggay. Pagkatapos ay itali ng goma ang fresh malunggay at isabit sa hanger. Huwag ilagay sa masyadong mahangin at baka maglaglagan ang dahon.
Hayaang malanta at matuyo ang dahon ng malunggay sa loob ng 2-3 araw.
Pagkalipas ng 2-3 na araw ay tanggalin na ang dahon sa tangkay. Gumamit ng blender para gawing powder. Salain ng dahan-dahan ang powder na malunggay upang mas lalong maging pino.
Isalin ang powderized na malunggay sa isang lagayan at takpan.
Unti-unti na itong gamitin sa pagluluto ng kahit na anong putahe.
Hindi na ito malalasahan ng mga bata at aakalain lang nilang paminta ito.
Maaari ring lagyan ang kanin habang kumukulo o ‘di kaya isama ito sa sinangag. Mura na, masustansiya pa.
Let’s fight COVID!
Comments are closed.