MALUNGGAY: SUSTANSIYANG DULOT

MALUNGGAY-1

MAY mga pagkaing nakabubusog lang ngunit wala namang sustansiya. May mga mura lang din na pagkain na hindi naman nakatutulong upang mapalakas at mapalusog ang ating pangangatawan.  Pero kahit na wala itong hatid na sustansiya sa atin, kung minsan ay iyon pa ang pinipili nating bilhin.  Kung minsan ay iyon pa ang kinawiwilihan nating kainin.

Hindi lahat ng pagkaing nakabubusog ay puwede nating kainin at bilhin. Kailangang isaalang-alang natin ang magiging epekto nito—maganda man o hindi, sa ating kalusugan. Pamahal nang pamahal ang mga bilihin ngayon kaya’t mas mabuting masustansiya ang ating bibilhin nang malayo tayo sa sakit.

Isa sa mga pagkaing dapat nating kawilihan ay ang malunggay. Bukod sa napakarami nitong puwedeng pagsahugan, napakaganda pa ng mga benepisyong maidudulot nito sa ­ating kalusugan.

Alam na alam na nating lahat kung gaano kasustansiya ang hatid ng dahon ng malunggay. Tinagurian pa nga itong “the miracle tree” dahil sa rami ng benepisyong makukuha mula rito. Narito ang ilan sa mga lutuin o inuming puwedeng lagyan ng dahon ng malunggay:

GREEN SMOOTHIE

Bukod sa iba’t ibang prutas gaya ng mansanas, watermelon, pinya, avocado at mang­ga, isa rin ang malunggay sa maaaring gawing smoothie. Ang malunggay ay makatutulong upang magkaroon ng extra vitamin boost ang katawan. Healthy rin ang inuming ito. Kaya swak itong ihanda sa mahal sa buhay. Para rin magkaroon ng kakaibang lasa, maaari itong samahan ng pinya o oranges. O kung anumang prutas na nais ng inyong panlasa.

MALUNGGAY AND CORN SOUP

MALUNGGAY-2Hindi nawawala ang soup sa kinahihiligan ng marami sa atin. Pampagana nga naman ito sa pagkain. May iba ring hindi makakain nang marami kapag walang soup na hinihigop.

Kung mahilig ka sa soup o sabaw, mainam din ang paggawa ng malunggay ang corn soup. Nakadaragdag ng sarap at sustansiya ang malunggay sa simpleng corn soup.

MALUNGGAY BREAD AT MALUNGGAY MUFFINS

Mahilig ang mga Pinoy sa tinapay. Hindi nga naman nawawala ang meryenda sa kinahihiligan natin. At para rin makuha ang sustansiyang hatid ng malunggay, swak na swak ang paggawa ng malunggay bread o kaya naman, malunggay muffins.

MALUNGGAY OMELET

MALUNGGAY-3Kung mayroon mang isang napakahirap pag-isipan, iyan ang ihahanda sa agahan o almusal. Nakasasawa rin naman kasi kug paulit-ulit na lang ang inihahanda natin sa ating pamilya. Kapag paulit-ulit lang, pagsasawaan nila. Kailangan pa naman ng mga bata ang malakas at malusog na pangangatawan.

At isang magandang option na puwedeng ihanda sa almusal ang Malunggay Omelet. Napakadali lang nitong lutuin kaya’t maihahanda mo ito sa iyong buong pamilya kahit pa sabihing na-late ka ng gising.

Ilan lamang ang nabanggit sa mga luutin o pagkaing maaaring samahan ng malunggay. Mayaman nga naman ang nasabing gulay sa protina at sa fiber. May mga minerals din na makukuha rito tulad ng calcium, magnesium, potassium at iba pa, at napakaraming bitamina nito tulad ng vitamin A, B, B1, B2, B3 at Vitamin C.

Nakapagpapalakas din ito ng immune system. Nagre-restore ng magandang kutis at nagkokontrol ng blood pressure. Minsan naman ay ginagawa rin itong gamot sa sakit ng ulo. Tumutulong din ito upang luminaw ang paningin. Mayroon din itong anti-cancer compound na tumutulong upang hindi maging aktibo ang cancer cells.

Kaya naman kung may restaurant ka o simpleng kainan lang, mag-isip na ng mga pagkaing maaaring sahugan ng dahon ng malunggay. Siguraduhin ding ang mga niluluto mo para sa pamilya ay may sangkap na malunggay.

Hindi lamang sarap ng mga lutuin ang kaila­ngan nating ihanda sa ating pamilya at mga mamimili kundi ang kagandahang maidudulot nito sa sinumang kakain.

Kaya ano pang hinihintay ninyo, planuhin na ang mga putaheng maa­aring sahugan ng dahon ng malunggay para hindi lamang mabusog ang mga kakain, tiyak na magiging healthy pa sila dahil sa mga benepisyong hatid ng nasabing gulay sa katawan.  CT SARIGUMBA

Comments are closed.