MALUSOG AT MALAKAS NA PANGANGATAWAN POSIBLENG MAKAMTAN KUNG IYONG NANAISIN

MALUSOG NA PANGANGATAWAN

(ni CT SARIGUMBA)

MAY ILAN sa ating nagnanais na ma­panatili ang magandang hubog ng katawan. Bukod sa magandang hubog ay ang pagiging healthy at malakas. Pero madalas, dahil na rin sa rami ng mga pagkaing nakikita at kinatatakaman natin, hindi natin magawang pigilin ang ating mga sarili.

Kapag nga naman masarap ang pagkaing nakahain sa ating harapan, napararami ang pagkain natin. Na-wawala na sa isip natin ang magkontrol.

Ngunit sabihin mang sobrang sarap ang kumain, kailangan pa rin nating magpigil dahil maraming masa-mang epekto sa kalusugan ng pagiging mata-ba o dambuhala. Maraming sakit ang maaaring makuha.

Mahirap ang magkasakit. Hindi lang kasi tayo ang mamomroblema kundi maging ang ­ating pamilya.

Kaya naman, narito ang ilang tips na maa­aring subukan nang mapanatiling malusog at malakas ang pangangatawan:

MAGLAAN NG SAPAT NA ORAS SA PAG-EEHERSISYO

Nakasasawa nang marinig ang mga salitang mag-ehersisyo sa  araw-araw nang mapanatiling malusog at malakas ang katawan.

Oo nga’t nakasasawa na itong marinig at tila sirang plakang paulit-ulit na sinasabi ng marami—kapamilya man o kaibigan. Gayunpaman, marami sa atin ang tamad na tamad na mag-ehersisyo.

Oo nga’t mahirap nga namang gawin ang mag-ehersisyo dahil sa rami ng mga kailangan nating tapusin. Gayunpaman, hindi man magawang mag-ehersisyo sa araw-araw, subukang kahit na tatlo hanggang apat na beses itong nagagawa. Hindi rin naman kailangang tagalan ang pag-eehersisyo. Kahit na 40 minutes lang ang ilaan sa isang araw ay swak na upang mapanatiling malusog  at malakas ang ating pan-gangatawan.

Sa pananatili ring malusog at malakas ng katawan ay maiiwasan ang kahit na anong sakit.

KUMAIN NG TAMA AT NASA ORAS

Importante rin ang pagkain ng tama at nasa oras upang mapanatiling malusog ang katawan at fit.

May ilan sa atin na mahilig mag-skip ng pagkain. Pero hindi ito makabubuti dahil mapararami lang ang pagkain mo sa susunod na meal kung mag-skip ka o magpapagutom ng sobra.

Nakatatabang lalo ang pag-skip ng meals. Nagiging dahilan din ito ng out-of-control hunger na nauuwi sa overeating. Mainam din ang pagkain ng snacks sa pagitan ng meal.

Huwag ding sosobrahan ang pagkain. Dapat isang cup o tasa lang kada meal—kanin man iyan, pasta, cereal, fruits o vegetables.

Hindi naman kaila­ngang itigil ang mga pagkaing nakasasama. Ang kailangan lang ay limitahan o bawa-san. Balansehin kumbaga ang mga kinakain. Halimbawa ang carbs, hindi natin ito kailangang iwasan kundi limitahan lang dahil  kailangan din ito ng ating katawan.

ALAMIN ANG DAHILAN O PAGKAING NAKAPAGPAPALAKAS SA PAGKAIN

May mga gustong-gusto tayong pagkain na kapag nakita natin, halos hindi natin maayawan. Kumbaga, kahit na busog na busog na tayo, gusto pa rin nating nguyain nang nguyain.

Para rin mapanati­ling malusog at malakas ang pangangatawan, mainam kung aalamin ang mga pagkaing hindi maayawan lalo na kapag nasa hara-pan. Alamin din ang mga bagay o dahilan na naka-pagpapalakas ng kain.

Stress at puyat, ilan iyan sa nagiging dahilan ng pagkain natin ng marami. Kaya’t iwasan ito hangga’t maaari.

UMINOM NG MARAMING TUBIG

Pag-inom ng maraming tubig, isa pa ito sa dapat nating subukan nang mapanatiling malusog at malakas ang ating pangangatawan. Ang pag-inom din ng tubig ay tumutulong upang kaagad na mabusog.

Kailangan ding umabot sa 2 litro ng tubig ang naiinom sa isang araw.

MAGKAROON NG DISIPLINA SA SARILI

Panghuli ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili. Marami sa atin ang walang disiplina lalo na sa pagkain. Kahit na anong makitang pagkain, nilalantakan.

Iwasan din ang pagkain ng 3-4 hours bago matulog dahil hindi nito mabu-burn ang calories. At kapag hindi na-burn ang calories ay nagiging fats ito.

Magkaroon ng disiplina sa sarili upang makamit ang maganda at malusog na katawan. (photos mula sa fashionsfit-ness.com, telegraph.co.uk, drtaylorwallace.com)

Comments are closed.