MAMAHALING SASAKYAN ‘TALO’ SA RED LIGHT

RED LIGHT

MAKATI CITY – HINDI umubra ang isang mamahaling sasakyan sa traffic light sa lungsod na ito.

Sa ulat na nakarating sa PILIPINO Mirror, isang itim na Audi A7 ang nawasak makaraang maaksidente kahapon ng madaling araw.

Sinabi ng isang guwardiya na si Robert Bitonga, ng Makati Commercial Estate Association, Inc., naganap ang aksidente sa V.A. Rufino, Ayala Avenue sa lungsod, 3:50 ng madaling araw.

Nag-beating the red light umano ang sasakyang may plakang TOW 115.

Sumalpok ang sasakyan, kaya naman nayupi ang harapang bahagi nito.

Maliban sa pagkayupi ng sasakyan, nabuwal din ang bakod at poste ng ilaw sa lakas ng impact ng bumanggang sasakyan.

Sugatan ang driver at pasahero ng sasakyan na pawang hindi na pinangalanan at dinala sa Makati Medical Center. ROSE LARA

Comments are closed.