LAGUNA – UMAPAW na halos ang lahat ng ilog mula una hanggang sa ikaapat na distrito kabilang ang nasa mababang lugar na nasa gilid ng Lawa ng Laguna.
Dahil dito marami na ang naitalang bilang ng evacuees sa buong lalawigan bunsod ng matinding pagbaha.
Sa kasalukuyan, hindi pa rin passable sa maliliit na sasakyan ang nasasakupan ng National Hiway ng Brgy. Halang, Bucal at Pansol sa lungsod ng Calamba kabilang ang Brgy. Lalakay sa bayan ng Los Baños.
Naitala rin ang natumbang malalaking puno sakop ng ikatlo at ikaapat na distrito ng Laguna bunsod ng walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan kung saan maraming bahagi din ang nananatiling walang suplay ng koryente.
Kaugnay nito, patuloy na nagsasagawa ng monitoring ang local government units (LGUs), PNP, Highway Patrol Group (HPG) at mga miyembro ng City at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa kani kanilang mga nasasakupan.
Samantala, hindi naman inaasahang gumuho ang lupa sa bahagi ng Lumban Kalayaan Road kung saan agaran naman itong nalinis ng mga tauhan ng DPWH at ng MDRRMO sa lugar. DICK GARAY
Comments are closed.