MAMEMEKE NG UNIFIED VACCINATION CERTIFICATES PARUSAHAN

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at ang Department of Health (DOH) na patawan ng kaukulang parusa ang sinumang gumawa ng peke o dinoktor na unified vaccination certificates para na rin sa kaligtasan ng lahat.

“Hindi maiiwasan na baka may magsamantala kaya dapat ngayon pa lang ay pinag-iisipan na kung ano ang mga maaaring posibleng hakbang kung gagamiting kasangkapan sa mali o iligal na gawain ang unified vaccination certificate,” ani Gatchalian.

“Dapat maglabas na ng stiffer penalties laban sa mga mamemeke ng mga vaccination cards o gagawa ng mga bogus na vaccination cards. Marami tayong OFWs na aalis at babalik sa kanilang trabaho sa abroad. Baka merong mga sindikato na mang- abuso o magsamantalang gumawa ng fake vaccination cards for a fee. Dapat mahuli sila at parusahan dahil kawawa naman ‘yung OFWs na mabibiktima,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Gatchalian ang panawagan sa gitna ng posibilidad na maengganyo ang ibang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakatakda nang umalis ng bansa at maloko ng mga indibidwal na gagawa ng pekeng unified vaccination certificates kapalit ng isang halaga.

“Maaaring makompromiso nito ang kaligtasan ng publiko at mapunta lang sa wala ang lahat ng ginagawa ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19,” diin ni Gatchalian.

Kahit na nakasaad na sa ilalim ng Republic Act No. 11525 o ang “COVID-19 Vaccination Program Act of 2021” na isinabatas noong Pebrero 26, ang mga kaukulang parusa sa pagpeke o pag doktor ng mga vaccine card batay sa mga probisyon ng Revised Penal Code, karamihan sa mga local government units (LGUs) ay naglabas rin ng kani-kanilang kautusan sa ipapataw na parusa sa pamamagitan ng sariling ordinansa.

Sa Valenzuela City, isang ordinansa ang ipinasa laban sa iligal na paggamit, hindi awtorisadong pag-print o pagkopya ng Valenzuela City Vaccination (VCVax) passport o vaccination card na ini-issue ng lokal na pamahalaan. Multa na mula P1,000 hanggang P5,000 o depende sa dami ng nagawang paglabag ang ipapataw. Dagdag pa ang posibleng pagharap sa kasong kriminal ang kakaharapin ng sinumang lumabag sa nasabing kautusan. Mahigpit ding ipinagbabawal sa mga residente ang pagbibigay ng mga maling impormasyon na ilalagay sa VCVax.

Nakatakdang ilunsad sa Setyembre 1 ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pilot test ng VaxCertPH, ang portal sa pag-i-issue ng COVID-19 unified vaccination certificate para sa mga bakunadong Pilipino. VICKY CERVALES

10 thoughts on “MAMEMEKE NG UNIFIED VACCINATION CERTIFICATES PARUSAHAN”

  1. 671084 530035Aw, this was a quite nice post. In thought I want to put in writing like this moreover ?taking time and actual effort to make a very good post?however what can I say?I procrastinate alot and surely not appear to get 1 thing done. 435988

  2. 876414 187Normally I do not learn post on blogs, however I would like to say that this write-up really pressured me to look at and do so! Your writing style has been surprised me. Thank you, quite excellent post. 639454

Comments are closed.