(Mamili ng gustong disenyo) P100 LANG, MAIUUWI ANG BAHAY NA PINAPANGARAP

NAKAKITA na ba kayo ng bahay sa halagang P100?

Nais mo bang magkaroon nito na may iba’t ibang disenyo?

Matatagpuan ito sa isang kalye sa bayan ng Rosario sa Cavite kung tawagin ay Kalye Tramo ang gumagawa ng iba’t ibang klase ng bahay at depende sa sukat ang halaga kung gusto mong Malaki.

Subalit, kung may P100 ka, maiuuwi mo na ang bahay na pinapangarap mo.

Tama po, sa halagang P100 piso ay may bahay ka na!

At ito ay “Bahay na Alkansiya!”

Makulay at may kakaibang arte ang mga bahay na alkansiya na gawa ng Taong 2007 nang mag-umpisang gumawa ng alkansiyang bahay si Norlito.

Maraming pagsubok ang dumating sa kanyang buhay na hindi niya sinukuan at ang pagsubok na iyon ang higit na nagpatatag sa kanyang sarili upang makamit ang tagumpay na tinatamasa ngayon.

Nakakarating na sa iba’t ibang lugar sa Pinas ang gawa niyang alkansiyang bahay, madalas nagiging proyekto pa ito sa mga eskuwelahan.

Kumikita si Norlito ng P60,000 kada buwan.

At dahil dito, nakapagpagawa na nga siya ng sarili niyang up and down na bahay.

Sa produktong likha ni Norlito, marami sa kanyang mga kapitbahay ang nabibigyan ng pinagkakakitaan at natutulungan pa nito ang iba pa niyang mga kamag-anak.

Sa ngayon, patuloy siyang nagsusumikap at nagtitiyaga na umukit at magdisenyo na mga bagong anyo ng alkansiyang bahay.

Sa mga gustong magkaroon ng alkansiyang bahay, maaring itong tawagan sa numerong 09070678031. SID SAMANIEGO