NAGBABALA sina Gabriela Partylist Reps. Arlene Brosas at Emmi de Jesus sa mga kompanyang mamimili lang ng lalaking empleyado para makaiwas sa Expanded Maternity Leave Act.
Giit ng mga mambabatas, paglabag sa Magna Carta for Women at sa Expanded Maternity Leave Law kung idi-discriminate ang mga babaeng aplikante sa mga nais pasukang trabaho.
Babala pa ng mambabatas, mahaharap sa parusa at pagmumultahin ang mga employer na mamimili lamang ng mga lalaking empleyado.
Iginiit ng mga ito na napakaliit lang ng bilang ng mga buntis na manggagawa kung ikukumpara sa kabuuang sahod ng kababaihan.
Bukod pa rito ang katotohanang hindi lahat ay nakapaghahain ng maternity leave sa trabaho dahil sa kontraktuwalisasyon.
Sa halip na pairalin ang diskriminasyon ay dapat umanong kilalanin ang produktibong ambag ng kababaihan sa ekonomiya ng bansa. CONDE BATAC
Comments are closed.