Mamuhunan sa kababaihan, pag-asenso ay asahan

Kababai­han! Kahit sa Biblia, naging napakababa ng pagtingin sa kanila, liban sa iilang personalidad na tulad ni Birheng Maria. Maging sa kasaysayan, iilan ang Cleopatra, Catherine The Great, Margareth Thatcher at Queen Elizabeth.

Ngunit aminado naman ang mga matagumpay na kalalakihan sa sa kanilang likuran at may babaing sumusuporta, na kung wala sila, hindi nila mararating kung anuman ang narating nila. Ngunit ang mga babaing matagumpay, kinaya nilang mag-isa – walang lalaking sumusuporta. Bawat tagumpay ng isang babae ay dapat nagsulbing inspirasyon sa kapwa niya babae. Kaya nating mag-isa, dahil buo tayo. Within us is the power to create, nurture, and transform, sab inga ni Diane Mariechild. Of course! Kaya ba ng lalaking manganak? Hindi! Kaya ba ng lalaking magtrabaho, mag-alaga ng anak at mag-aral ng sabay-sabay? Hindi rin. Pero tayong kababaihan, kaya natin ‘yon na hindi mapapabayaan ang alin man.

Sa Proclamation No. 227 series of 1998 sa Pilipinas, kinikilala sa buwan ng Marso ang kahalagahan ng kababaihan sa kasaysayan (Women’s Role in History), habang sa Republic Act 6949 series of 1990, idineklara ang March 8 na International Women’s Day at ang buwan naman ng Marso ay National Women’s Month. Walang aangal! Deserve yan ng kababaihang tulad natin.

Naka-focus ang tema ng International Women’s Day 2024 sa sa ‘Invest in Women: Accelerate Progress,’ na ang tina-target ay ang economic disempowerment. Binibigyang diin dito ang kahalagahan ng gender equality, women’s and girls’ empowerment, at ang kanilang karapatan sa malusoh na pamumuhay. Ito ay malakas na development tool hindi lamang sa kababaihan kundi para na rin sa lahat.

Kung tutuusin, hindi kailangan ng mga Filipino ang women empowerment. Kahit noong unang panahon pa, may mandirigma tayong ang pangalan ay Prinsesa Urduja sa Katagalugan at Gabriela

Silang naman sa Ilocandia. Iginagalang din sa Mindanao ang mga sultana, at ang mga binukot na prinsesa sa kabisayaan ay inihahanda sa pamumuno sakaling walang anak na lalaki ang sultan.

Ngunit sa ibang lugar, ang babae ay parang basahang niyayapak-yapakan. Hindi sila kasabay ng kanilang asawa sa paglalakad, kundi nasa likod lamang. Sa Pilipinas, isang sutsut lang ni misis, kandarapa nang uuwi si mister. Oo nga at si mister ang hari ng tahanan, pero si misis naman ang alas!

Naimbento ang women’s month dahil sa babaing nagngangalang Clara Zetkin, lider ng ‘Women’s Office’ for the Social Democratic Party sa Germany. Ideya niya ang International Women’s Day.
By the way, sa Women’s Month, ipinagdiriwang ang papel ng kababaihan sa planetang ito.

Remember, walang babae, walang anak. Walang babae, walang mag-aasikaso sa pamilya. Panahon na para pahalagahan sila ng higit sa nakakamtan nila ngayon. KAYE NEBRE MARTIN