LAGUNA – TINAMBANGAN ang isang real estate manager habang sugatan ang kasamahan nito sa harap mismo ng Sto. Tomas Elementary School, Bgy. Sto. Tomas, lungsod ng Binan.
Ayon sa ulat ni PLt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng pulisya, nakilala ang biktimang si Ernee Grace Marie Cabisag,38-anyos ng Maligaya Village, at residente ng Canyon Ranch, Carmona, Cavite.
Samantala, sugatang isinugod sa pagamutan ang kasama ng biktima na si Honey Lee Algara, 31-anyos ng Bgy. San Dionisio, Dasmarinas, Cavite na tinamaan ng bala sa kanyang puwet.
Dakong alas-6:40 Huwebes ng gabi habang lulan sa kanyang minamanehong Nissan Navara may plakang NCU-8121 ang biktima at kasamahan nito nang harangin ng mga suspek bago malapitang pinagbabaril.
Binawian ng buhay habang isinusugod sa Carmona Hospital and Medical Center ang biktima bunsod ng tinamong tama ng bala sa kanyang ulo at katawan.
Mabilis na tumakas ang mga suspek lulan sa motorsiklo patungo ng Carmona, Cavite. DICK GARAY
Comments are closed.