(Mananatili sa ECQ areas) 50% CAPACITY SA PUBLIC TRANSPORT

Artemio Tuazon

HINDI magkakaroon ng pagbabago sa passenger capacitiy ng public transport sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), ayon sa Department of Transportation (DOTr). “Generally, our public transportation walang magbabago sa kapasidad. Kung mayroon mang mababago rito, ito ‘yung paghigpitin at maging masinsin ang pag-i-implement ng seven commandments sa public transport,” wika ni DOTr Undersecretary Artemio Tuazon sa Laging Handa briefing.

Ayon kay Tuazon, tanging ang authorized persons outside of residence (APOR) tulad ng health workers at iba pang frontliners ang papayagang sumakay sa public transportation.

“Public utility buses (PUB), both traditional and modern jeepneys, and UV Express remain allowed to carry 50 percent of its maximum passenger capacity, or one seat apart distancing, with no standing passengers,” ayon sa ahensiya.

Isang pasahero lamang ang pinapayagan sa driver’s row. Samantala, ang lahat ng provincial buses ay pinapayagang mag-alok ng point-to-point transportation, kung saan hindi sila maaaring kumuha ng pasahero patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga taxi at transport network vehicle services (TNVS) ay pinapayagan namang magsakay ng maximum na dalawang pasahero per row at isang pasahero sa driver’s row.

Ang TNVS ay bawal ding kumuha ng multiple bookings.

Maaari namang magsakay ang mga tren ng 20 hanggang 30 percent ng kanilang maximum passenger capacity.

Para makatulong sa pagkontrol sa pagkalat ng CO­VID-19, nagpalabas ang DOTr ng “7 commandments” sa public transport.

Ang mga ito ay ang “mandatory wearing of a face mask and shield, no talking, no eating, ensuring proper ventilation inside public utility vehicles, regular disinfection, barring symptomatic passengers, and observing proper physical distan­cing.” PNA

4 thoughts on “(Mananatili sa ECQ areas) 50% CAPACITY SA PUBLIC TRANSPORT”

Comments are closed.