PINATUNAYAN na nananatili ang demokrasya sa bansa nang maganap ang mañanita protest sa kabila ng pagkontra sa Anti-Terror Bill, maging sa banta ng COVID-19 pandemic at bagyo.
Hindi rin napigilan ang raliyista kahit pa may posibleng pag-aresto sa kanila na kanilang isinabay sa selebrasyon ng ika-122 Taong Araw ng Kalayaan kahapon.
Nagtipon ang militanteng grupo, mga mag aaral at mga manggagawa sa pagdaraos ng kanilang “Grand Mañanita” sa University of the Philippine campus kahapon ng umaga kasabay sa paggunita ng Araw ng Kalayaan.
Tinawag na “Mañanita” protest bilang pagkondena rin sa sa Mañanita” party ni Maj. Gen. Debold Sinas ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na anila’y paglabag sa pinaiiral na quarantine protocols. VERLIN RUIZ
Comments are closed.