MANATILING HEALTHY AT FIT (Para Fit Lumaban sa Sakit)

ISANG masamang balita ang bumu­ngad sa bawat Filipino nang ianunsiyo ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang kaso ng novel Coronavirus (2019-nCoV) nito lamang nakaraang Linggo.

Makaraan lamang ang ilang araw ay hindi na magkandaugaga ang mga Pinoy sa pagbili ng face mask upang proteksiyunan ang sarili mula sa virus na ito. Ngunit dapat na tandaang hindi sapat ang paggamit lamang ng mask upang hindi dapuan ng malubhang sakit.

Ang higit na kaila­ngang gawin ng bawat isa ay palakasin ang resistensiya. Narito ang ilang pagkain upang mapalakas ang inyong immune system.

CITRUS FRUIT

Mga prutas na nagtataglay ng vitamin C. Marami sa atin ay saka lang iinom ng vitamin C o kakain ng pagkaing mayaman sa vitamin C pagkatapos magkaroon ng sipon.

Ito ay sa kadahilanang ang vitamin C ay mabisang pampalakas ng immune system. Sinasabi rin sa mga pag-aaral na ito ay nakapagpaparami ng bilang ng white blood cells na lumalaban sa mga impeksiyon na kumakapit sa atin.

Halimbawa ng citrus fruits ay orange, dalandan, calamansi, at lemon.

MALUNGGAY

Maaaring nakakaki­ta ka nito sa bakuran ng iyong kapitbahay. Huwag mahiyang Malunggaymang­hingi minsan. Hindi dapat pinalalampas ang linggo na walang haing ginisang monggo sa hapag na may kasamang malunggay.

Hindi lang dahil masarap itong ilahok sa monggo. Tinagurian ang malunggay na isa sa pinakamasusustansiyang gulay.

Nagtataglay ito ng vitamins at minerals na kailangan ng isang tao upang mas maging malusog.

Bukod sa nagtatag­lay ito ng vitamin C, mayroon din itong vitamin B6, iron, magnesium at riboflavin na tumutulong sa katawan upang tunawin ang carbohydrates na nakukuha natin sa kanin at protein na nakukuha naman sa karne at itlog upang magamit ng katawan ang enerhiya na nakukuha natin sa pagkain.

RED BELL PEPPER

Lingid sa ating kaalaman na ang red bell pepper na madalas lang nating makita RED BELL PEPPERbilang toppings sa pizza o sahog sa ilang putaheng hinahain sa atin ay mayaman din sa vitamin C.

Likas ding maya­man ito sa beta carotene na tumutulong upang mapanatiling malinaw ang ating mga mata at mapaganda ang balat.

 

BROCCOLI

Madalas itong aya­wan ng mga chikiting ngunit isa ito sa mga pagkaing dapat naBROCCOLI inihahain sa ating mag-anak.

Punumpuno ang broccoli ng vitamins at minerals na kailangan ng ating katawan. Nariyan ang vitamin A para sa kalusugan ng puso, kidney, at lungs. Kasama rin ang vitamin E na kinakailangan para sa malusog na mga mata.

BAWANG

Bilang Pinoy, hindi mawawala sa kahit na anong putahe ang bawang. Kahit ang BAWANGmani na itinitinda sa kalye ay hinahaluan ng bawang.

Ngunit bukod sa masarap itong panggisa, mabisa ring pampatibay ng immune system ang bawang. Bukod dito, nakabababa rin ng blood pressure ang mga ito.

 

LUYA

Mawawala ba naman sa listahan ang luya? Ginagawa natin itong sa­labat na gamot LUYAsa tuwing masakit ang lalamunan o ‘di kaya naman ay ika’y namamaos.

Mabisa itong pang-iwas sa iba’t ibang inflammatory illnesses. Tulad nga ng sore throat na karaniwan sa tuwing malamig ang panahon o kaya naman ay kulang sa tulog.

SPINACH

Hindi lang si Popeye ang lalakas sa tuwing makakakain ng spinach.SPINACH

Mayaman ang gulay na ito hindi lamang sa vitamin C, ngunit nagtataglay rin ito ng vitamin E, flavonoid para mapababa ang tiyansa ng pagkakaroon ng kanser, heart disease, at maging asthma.

Ilan lamang ito sa mga pagkaing makatutulong nang mas palakasin ang ating immune system. Sikaping sa bawat pagkaing ihahain sa hapag ay may gulay na kasama na mayaman sa nutrients, vitamins, at minerals kontra sakit.

Mainam ding manatiling hydrated. Uminom ng tubig, 8-12 baso ng tubig sa isang buong araw. Sikaping magkaroon ng sapat na tulog upang mas mapababa ang tiyansa na dapuan ng sakit.

Higit sa lahat, sika­pin ding mag-ehersisyo. Maraming ehersisyo ang maaaring gawin sa loob ng tahanan. Ang simpleng paglalakad-lakad ay mainam na ring ehersisyo.

Higit pa sa kahit na anong bagay sa mundo, mas mahalaga at kaila­ngan nating alagaan ang ating sarili at ang ­ating pamilya. Dahil ang kalusugan ay ang ating kayaman. MARY ROSE AGAPITO

Comments are closed.