MANCEBO LIDER PA RIN SA RONDA PILIPINAS

Francisco Mancebo Perez

DUMIKIT si Tour de France veteran Francisco Mancebo Perez ng Matrix Powertag Japan sa kanyang closest pursuers sa Stage 4 upang manatili sa liderato, may isang lap na lamang ang nalalabi sa LBC Ronda Pilipinas 2019 sa El Pueblo grounds sa Roxas City kahapon.

Nanguna sa stage si Jamalidin Novardianto ng PGN Road Cycling Team.

Si Mancebo, 42, ay bumuntot kina defending champion Ronald Oranza ng  Navy-Standard Insurance at Dominic Perez ng 7Eleven Cliqq-Air 21 at tinapos ang karera kasama ang peloton na dumating na 42 segundo sa likod ni stage winner Novardianto,  na naorasan  ng three hours at 37.53 minutes.

Dahil dito ay napa­natili ni Mancebo ang liderato na may ­kabuuang oras na 16:01:21, o mas mabilis ng 3:52 kay Oranza at 3:55 kay Perez.

Ang iba pang bumubuo sa top 10 ay sina Navy’s Jan Paul Morales (4:35 behind), Matrix’s Sano Junya (4:53), Korail Korea’s Joo DaeYeong (4:58), 7Eleven’s Irish Valenzuela (5:20), Army-Bicycology’s Mark Julius Bordeos (5:20), at 7Eleven’s Rustom Lim at Arjay Peralta (6:13).

Si Peralta ang biggest gainer makaraang tumapos na pangatlo sa una sa dalawang intermediate sprints at ­pangalawa sa stage mountain classification  na nagdala sa kanya sa top 10 mula sa No. 17 kung saan pinalitan niya si teammate Marcelo Felipe, na bum-agsak sa No. 13.

Sa kanyang mala­king bentahe, ang Spa­nish conquistador ay halos sigurado na sa titulo sa pagpadyak ng fifth at final stage—isang 148.9-km lap na magsisimula sa Roxas City at magtatapos sa Pandan, Antique— ngayong araw.

Gayunman, iginiit ni Mancebo na hindi pa tapos ang laban.

“The last stage will be like (Monday). Everybody will want to take the red jersey from me,” wika ni Mancebo, na kinuha ang malaking kalamangan matapos ang exhilarating performance sa Iloilo-Iloilo Stage 1 noong Biyernes.

“I’m a little bit tired. There’s one more stage to go, and we’ll try to keep the jersey,” aniya. “I feel good, but you’ll never know. We have to be careful.”

Comments are closed.