MANDANAS RULING IPATUTUPAD NA NGAYONG 2022

Erick Balane Finance Insider

PAGKATAPOS na magdesisyon ang sambayanan sa kung sino ang magiging bagong pangulo at ikalawang pangulo ng bansa sa darating na May elections ay agarang ipatutupad  ang Mandanas ruling that “fully transfers or devolves the delivery of basic services to LGUs.

Umaasa ang mga LGU sa sinasabing dagdag na pondo na tinatayang nasa P234 bilyong Internal Revenue Allotment (IRA) na bahagi ng implementasyon ng Mandanas ruling ngayong 2022, bagaman sinasabing mataas ang halaga ng debolusyon kaysa sa aktuwal na matatanggap ng mga bagong mahahalal na lokal na opisyal.

​Nauna rito, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang kabuuang IRA para sa mga LGU ay inaasahang tataas ng hangggang 55.7 porsiyento – mula sa P695.49 bilyon noong 2021 ay magiging P1.083 trilyon ngayong 2022, mula sa pinagbasehang 4.75 porsiyento ng Gross Domestic Product (GDP) ng gobyerno. Ang implementasyon ng Mandanas ruling ay naaayon sa rekomendasyon ng Philippine Economic Update na inilabas kamakailan ng Worl Bank (WB).

​Ang halaga ng buong debolusyon ng mga serbisyo na ipinag-uutos o nilalaman ng Executive Order 138 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay magiging doble kaysa sa kung ano ang nararapat na matanggap ng mga LGU mula sa pambansang koleksiyon ng buwis.

​Ang agwat sa pagitan ng tumaas na IRA at ng tumaas na halaga ng bagong devolved na serbisyo ay magreresulta pa rin sa kawalan ng pondo ng mga LGU’, ayon sa pag-aaral sa mga istatistika ng pananalapi.

​Sa Mandanas ruling na mula sa kautusan ng Kortre Suprema noong 2018 at nakumpirma taong 2019, ang IRA ay naka-programang itaas ng 55% sa 2022 budget na may kabuuang P1.08 trilyon o 4.8% ng GDP ng bansa kumpara sa 3.5% ng GDP noong 2021.

​Sinabi sa pag-aaral na sa paggawa ng line item sa budget, ang kabuuang halaga ng guguguling salapi sa planong devolution sa LGUs ay humigit-kumulang sa P1.3 trilyon, habang ang karagdagang IRA na ibinigay mula sa bahagi ng Mandanas ruling ay P695 bilyon lamang.

​Ang  Mandanas ruling ay nag-ugat sa mga petisyon na inihain ni Batangas Governor Herminaldo Mandanas at dating Bataan Governor Enrique Garcia, Jr. na naghahanap ng bahaging ibibigay sa mga LGU mula sa mga pambansang buwis – hindi lamang mula sa mga buwis na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kundi pati na rin ang mga koleksiyon ng Bureau of Customs (BOC).

Gayunman, kung magkakaroon ng malaking kalituhan sa debolusyon at makaaapekto sa pamamalakad sa nasyunal at LGU’s, ang implementasyon nito ay maaaring iurong sa taong 2024 dahil sa matinding usapin sa alokasyon ng budget.

​Ayon kay WB Economist Kevin Cruz, ang pagtugon sa mga kahinaan sa pagpaplano at koordinasyon ay isang unang hakbang patungo sa pamamahala ng transisyon at pagpapabuti ng desentralisasyon.

​Bahagi ng Mandanas ruling ang mga sumusunod: Pag-channel sa pagtaas ng IRA patungo sa pagsusumikap sa pagtugon sa COVID-19 ng lokal na pamahalaan upang mabawasan ang panganib sa implementasyon ng budget sa mga lugar na sakop nito; pagbibigay ng suporta sa pagbuo ng kapasidad sa mga unit ng lokal na pamahalaan; pagtugon sa hindi pagkakapantay-pantay ng mga LGU; , pagpapalakas ng kakayahan ng mamamayan na humiling ng pananagutan sa proseso ng pagba-budget at paggasta; pampublikong pandinig sa impormasyon ng budget; civic monitoring ng inter-government transfer; at panlipunang audit.

​Saklaw ng biyaya mula  sa Mandanas ruling ang mga lungsod at munisipalidad, kabilang na ang mga barangay sa buong bansa na siyang pangunahing makikinabang sa karagdagang budget mula sa implementasyon ng nasabing batas.

​Malinaw sa Mandanas doctrine na ang bahagi mula sa IRA ng mga LGU ay hindi nagbubukod ng iba pang pambansang buwis tulad ng customs duties. Ang mga pambansang buwis na isasama sa pagkalkula ng pananalapi ay limitado sa mga sumusunod:

– Buwis sa pambansang panloob, nilalaman ng Sec. 21 ng National Internal Revenue Code (NIRC) na kinolekta ng BIR at BOC.

– Taripa sa mga tungkulin sa Customs na kinolekta ng BOC.

– 50% of the Vallue-Added Tax (VAT) collected in the Bangsamoro Authonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) and 30% of all other national tax collected in the BARMM.

– 60% of of the national taxes collected from exploitation and development of the national wealth.

– 85% of the excise taxes collected from locally manufactured Virgina-type  cigarettes and other tobacco products.

– The entire 50% of the national taxes collected under section 106 (VAT on sale of goods or properties) and 116 (tax on person exempt from VAT of the NIRC; at

– 5% ng 25% na buwis sa prangkisa na ibinigay sa pambansang pamahalaan sa ilalim ng Sec. 6 ng Republic Act No. 6631 at Sec. 8 ng Republic Act No. 6632.

vvv

Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa  09266481092 o mag- email sa [email protected].