TAHASANG sinabi kahapon ni Senador Bong Go na dapat ay magkaroon ng mandatory evacuation center sa lahat ng lungsod, lalawigan at munisipalidad sa buong bansa.
Nakapaloob sa inihaing Senate Bill 1228 o “An Act Establishing a Mandatory Evacuation Center in all Cities, Provinces and Municipalities, Appropriating Funds Therefor,”
Layon ng panukala, ani Go na maglaan ng isang lugar o establisimiyento na magsisilbing evacuation center sa bawat lungsod, probinsiya at munisipalidad sa bansa.
Gayundin, ang nasabing panukala ay maglalagay ng minimum requirements sa bawat evacuation center gaya ng lokasyon, amenities, accessibility, operation, management at iba pa.
Kasabay nito, ang muling panawagan din ni Go sa pagpasa sa panukalang Senate Bill 205 o ang paglikha ng “Department of Disaster Resilience (DDR) Act” na siyang tinatalakay na ngayon sa Senate committee level.
“Kakausapin ko rin po ‘yung mga kapwa ko senador para mapag-aralan mabuti, kasi mayroon pong ibang suggestion na i-under na lang po sa Office of the President,” anang senador.
Iginiit ni Go na maaring kumilos ang pamahalaan upang maipalaganap at turuan ang publiko kaugnay sa paghahanda sa panahon ng kalamidad kung kaya’t pilit na isinusulong ang pagbuo ng DDR.
“Hindi dapat “adhoc” ang pag-iisip natin pagdating sa kalamidad. “Norm” na sa bansa ang bagyo, lindol, at pati active na bulkan. Dapat palaging handa ang gobyerno para maturuan maging handa ang bawat Pilipino,” diin ng senador. VICKY CERVALES
Comments are closed.