Sa gitna ng pinaigting na Covid-19 pandemic ‘Enhanced Community Quarantine (ECQ),’ nanawagan si House Ways and Means chair Joey Sarte Salceda ng Albay na isagawa na ng pamahalaan ang ‘mandatory mass testing’ ng mga ‘persons under investigation’ (PUI), at masidhing paghanap at pagtukoy ng mga LGU sa mga nakasalamuha nila.
“Kailangang makapagsuri tayo ng mga 200,000 PUI bago natin isipin ang pagtigil ng ECQ ‘lockdown.’ Kailangang dagdagan at maging 20,000 ang ‘Intensive Care Units (ICU “upang magabayan ang mga namumuno sa pagbibigay ng prayoridad sa mga hakbang na sadyang dapat ipatupad.”
Hiniling din niya sa ‘Inter-agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases’ na “paghandaan ang ‘waves of active infection’ o daluyong ng hawaan ng sakit” na maaaring lumunod sa pangkalusugang kakayahan ng bansa. “Naka-11,466 COVID-19 tests pa lang tayo na malayo sa 20,000 dahil hanggang 1,500 lamang isang araw ang kakayahan ng lahat ng kasalukuyang mga laboratoryo natin,” dagdag niya.
Isang kilalang ekonomista at eksperto sa ‘disaster risk reduction,’ si Salceda at ang kanya team ay patuloy na nakikipag-konsultahan sa mga propesyunal sa “disease outbreak science” at pinag-aaralan ang iba;t-ibang ‘simulation’ sa COVID-19 pandemic. Siya ang kauna-unahang mambabatas na nagpanukala ng ‘lockdown’ bago pa lumala ang pananalasa ng COVID.
Sa masusi nilang pagsusuri, nakita nila ang ilang ‘simulation’ na gaya ng malimit binabanggit ni New York Gov. Cuomo ng USA kung saan nakikita nila na maaaring 40% ng mga mamamayan ang mahawaan ng COVID-19. Sa tantiya, maaaring umabot ito ng ilang milyon. “Hindi namin si-nasabing tiyak ito ngunit sa takbo ng mga kaganapan, dalawang mahalagang bagay ang maliwanag: Una, malaki ang nagagawa ng pinaigting na ECQ para pigilin ang patuloy na paglala ng paglaganap ng sakit, ngunit, pangalawa, hindi pwedeng walang katapusan ang ‘quarantine,’” paliwanag niya.
“Ititigil dapat ang ECQ sa lalong madaling panahon ngunit hindi magagawa ito agad dahil may kabagalan pa ang ‘testing’ natin ngayon at kung ito’y ititigil agad, tiyak na mapipilitang ibalik ito uli, at ibayong kahirapan ang idudulot nito – higit na mahirap na pasulungin ang ekonomiya, at higit na mata-gal tayong makakabawi,” dagdag niya.
“Sadyang kailangan ang malawakang ‘testing.’ Nauunawaan naming hindi ito maisasagawa sa buong bansa, ngunit mapapasimulan ito sa mga piling lugar at dapat kumilos agad ang mga LGU para tukuyin ang mga taong nakasalamuha ng mga positibong nahawaan. Kailangan ang mga datus nito upang tama at akma ang mga desisyong katugunan,” giit niya.
Ayon kay Salceda, nauunawaan niya ang mga suliraning kaugnay nito, kasama ang kakulangan sa ‘test kits’ at ‘testing centers.’ “ngunit sadyang kailangan tugunan ang gayong mga problema, sa halip na sabihing wala tayong magagawa. Isa ito sa mga dahilan kung bakit binigyan ng Kongreso ng ‘emergency powers’ ang Pangulo,”
Hiniling din ng mambabatas sa Department of Health na lalong palakasin ang kakayanan ng mga ospital. “Ngayon, mga 1,600 ‘mechanical ventila-tors’ sa buong bansa, Batay sa masusing mga pag-aaral, maaaring umabot agad sa 20,000 ang matinding magkakasakit ng COVID-19 na dapat mabigyan ng pangangalagang ICU. Sana hindi mangyari ito, ngunit dapat maging handa tayo. Kung kailangang mag-‘import’ ng naturang kagamitan, isagawa na ngayon at magkaroon ng sapat na panahon ang mga gumagawa nito na dagdagan ang kanilang produksiyon,” dagdag niya.
Kasama rin sa mga kahilingan ni Salceda ang mga sumusunod: 1) Unti-unting pagpapalawig ng ‘emergency powers’ ng Pangulo, ang agresibong pagpapalawak sa mga pasilidad pang-‘intensive care’ gaya ng mga ‘ventilators, medical sup-plies’ at mga kagamitang PPE para sa ‘frontliners;’ unti-unting pagpapalawig o pagpapaigsi sa ‘lockdown’ tuwing 15 ar-aw depende sa mga kaganapan; pagtukoy sa mga ‘high-risk’ na lugar, delikadong gulang ng mga nahahawaan, at sikip ng mga bahayan, para makapagtatag ng mga ‘isolation centers.’ patuloy na maayudahan ang mga nangailangan, at mapigilan ang paglaganap ng hawaan; lag-aralan ang patuloy na pagsuspinde sa pasok sa mga paaralan; pagpapaigting sa mga gawaing pangkalinisan lalo na sa mga apektadong lugar, gaya ng ipinatupad sa Wuhan, China, ang pagpapabalik sa pagpasok ng mga manggagawa sa pamahalaan kapag naibaba na ang ‘lockdown’ maliban sa mga higit 60 anyos na o may dating sakit pati mga manggagawa sa pribadong sektor; patuloy na ‘social distancing measures’ sa mga lugar ng trabaho; pagpapatuloy sa sistemang ‘work-from-home’ kung maaari sa ilalim ng makatwirang mga panuntunan, at pag-tiyak sa mabisang ‘internet infrastructure,’ at patuloy na ‘logistics-based’ na pagbebenta sa pamamagitan ng ‘Grab-Delivery’ at mga kagaya nito para maiwasan ang pagkukumpol kumpol ng mga tao sa mga mall at katulad nitong lugar.
Comments are closed.