MANDATORY MILITARY SERVICE SA MGA PINOY

BUKAS sa Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panukala ni Davao City Mayor Sara Duterte na pagsusulong ng mandatory military service para sa lahat ng Pilipino na nasa legal age .

Ayon kay AFP spokesman Col. Ramon Zagala, bukas sila sa sa planong mandatory military service sa mga Pinoy na nasa tamang edad na.

“We welcome the proposal as this is attuned to the times while government is faced with adversities and challenges, aligned with our aspirations for the citizenry to contribute to nation building,” ani Zagala.

“ Rendering mandatory military service will only help us to establish base for a strong armed forces, and therefore a strong nation,” dagdag pa nito.

Inihayag naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na suportado nila ang mandatory military service ng 18-anyos.

Kahalintulad ito ng voluntary military training na ipinatutupad sa Korea at Israel.

Sinasabing may ilang bentahe ang nasabing plano, gaya ng pagkakaroon ng AFP ng mga handa na at nasanay ng pulutong ng mga reservist para magtanggol sa bayan o magsagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Relief work.

Subalit, nilinaw ng kalihim na may balakid din na dapat lagpasan para maisakatuparan ang nasabing plano dahil sa kakailanganin nito ng pondo at resources na ilalaan para ma-accommodate ang milyong Pinoy na sasapit sa kanilang mandatory military service training o pagsapit ng kanilang 18- taong gulang.

Kung kaya’t, mas pabor si Lorenzana sa implemenetasyon ng mandatory ROTC (Reserve Officers Training Course) sa mga pribado at pampublikong mga paaralan na sa tingin ay mas mabuting alternatibo.

“We are already starting to implement this in the State Universities and Colleges (SUCs). This program, which targets the K11-K12 levels, will produce a huge number of youths who will form part of our reservists,” ani Lorenzana.

Naniniwala si Lorenzana na ang produkto ng ROTC program ay sapat para matugunan ang pangangailangan ng sapat na bilang sakaling masangkot ang Pilipinas sa hidwaan o sa oras ng kalamidad at delubyo. VERLIN RUIZ