MANDATORY TESTING NG PMVIC PINILIT BUHAYIN

pmvic

NAGHAHANDA na ang mga Transport groups at mga moto­rista na mag-boykot sa PMVIC, ito ang pahayag ni Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) presi­dent Ariel Inton.

Ani Inton, maga­ling tumayming ang LTO sa pagpapalabas ng isang kontrobersyal na memorandum ng List of Geographical Areas of Responsibility (GAOR) for authorized private motor vehicle inspection centers (PMVICs).

Inilabas ang memo nitong August 6, 2021, ang simula ng lockdown sa Metro Manila.

Habang naghahanda ng pang-ayuda sa mga tao ang karamihan ng ahensya ng pamahalaan, ang LTO naman ay pinaghandaan ang pagbuhay ng PMVIC na dag-dag gastos sa motorista.

Pero dahil sa paglabas ng COA findings tungkol sa mga non-delivery of car plates ay natuon ulit ang atensyon sa LTO kaya sumabog muli ang usapin ng kontrobersyal na PMVIC.

Ayon  naman kay Sen. Ralph Recto, “risen from the dead” ito dahil sinabi na nga ng Malacañang na hindi na mandatory ang inspection sa mga PMVIC at maraming mambabatas ang pinatitigil na ito.

Batay sa LTO memo, may kanya-kanyang geographical areas ang operasyon ng authorized PMVICs.

Ani Recto, walang legal na batayan ang LTO para gawing mandatory ang GAOR ng mga PMVICs.

Kinukwestyon naman ni Inton kung sino ang mga may-ari ng PMVICs at pini­pilit itong buhayin kahit matagal nang naibasura.

Posible umanong nasira ang ipinangako nilang return of investment kaya iginigiit ito.

Aniya, napipikon na ang marami sa pinalabas na GAOR ng LTO, kung saan nangunguna ang 1-UTAP o Unified Transport Alliance of the Philippines na pinangu­ngunahan ni Ariel Lim.

May mga kaalyado rin silang grupong handang iboykot ang implementasyon ng GAOR. __ LEANNE SPHERE

9 thoughts on “MANDATORY TESTING NG PMVIC PINILIT BUHAYIN”

  1. 861286 797158Considerably, the story is in reality the greatest on this noteworthy topic. I agree along with your conclusions and will eagerly watch forward to your next updates. Saying nice 1 will not just be sufficient, for the fantastic clarity inside your writing. I will immediately grab your rss feed to stay privy of any updates! 81954

Comments are closed.