MANDAUE KAMPEON SA VISAYAS LEG NG VISMIN CUP

Mandaue

NAKUMPLETO ng KCS Computer Specialist-Mandaue City ang pakikipagtipan sa kasaysayan nang igupo ang title favorite MJAS Zenith-Talisay City, 89-75, sa do-or-die Game 3  at tanghaling unang Visayas champion sa Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Alcantara Civic Center noong Linggo.

Nalagay sa  alanganin makaraang makatabla ang Talisay City sa best-of-three series, naghabol ang Mandaue sa kaagahan ng second half, at sa pagkakataong ito ay sapat ang determinasyon at lakas  para makaalpas sa dikitang labanan at makopo ang kampeona-to sa Visayas leg ng kauna-unahang professional basketball league sa South.

Bukod sa titulo at P500,000 premyo na kaloob ni Chooks-to-Go president Ronald Mascarinas, ang Mandaue ang kakatawan sa Visayas sa Super Cup Finals sa Agosto. Makakasagupa nila ang magiging kampeon sa Mindanao leg na magbubukas sa Mayo 25.

Bumanat ang KCS ng18-1 run, tampok ang three-pointer ni Imprerial para kunin ang trangko, 54-44. Pinalobo  ng Mandaue ang bentahe sa 61-50 mula sa krusyal na opensa nina Al Francis Tamsi, Red Cachuela, Michole Sorela, at Ping Exciminiano tungo sa final quarter.

Nahila ng Mandaue ang kalamangan sa  22 puntos, 86-66, tampok  ang walong sunod na baskets ni guard Gileant Delator sa kalagitnaan ng final period.

Hindi na nagawang makahabol ng Aquastars, na sumabak sa championship tangan ang No.1 seeding makaraang walisin ang six-team double-round eliminations, lalon na’t napatalsik sa laro si sixth man Darrell Menina dahil sa flagrant foul kay Delator, may 5:17 ang nalalabi sa laro.

Nanguna para sa Mandaue sj Exciminiano, itinanghal na Finals MVP, sa kinamadang ng 15 puntos, 5 rebounds, 1 assist, at 3 steals. Naitala ng 32-anyos na PBA veteran mula sa Olongapo City ang average na 13.0 points, 6.0 assists, at 3.0 steals sa three-game series.

Nag-ambag sina Sorela at Tamsi ng tig-12 puntos, habang tumipa sina Delator at Imperial ng tig-10.

Nagbida naman sa Aquastars si Patrick Cabahug na may 21 puntos, at nagtala si Season MVP Jaymar Gimpayan ng 12 puntos.

Iskor:

KCS-Mandaue (89) – Exciminiano 15, Tamsi 12, Sorela 12, Imperial 10, Delator 10, Bregondo 8, Mendoza 8, Roncal 4, Soliva 4, Cachuela 2, Bonganciso 2, Octobre 2, Nalos 0, Castro 0.

MJAS-Talisay (75) – Cabahug 21, Gimpayan 12, Menina 9, Villafranca 8, Jamon 7, Mojica 6, Hubalde 4, Acuna 3, Santos 2, Eguilos 2, Casajeros 1, Mabigat 0, Dela Cerna 0.

QS: 16-19, 34-39, 61-50, 89-75

7 thoughts on “MANDAUE KAMPEON SA VISAYAS LEG NG VISMIN CUP”

  1. 594223 189038Right after study some with the websites with your internet website now, i genuinely as if your way of blogging. I bookmarked it to my bookmark site list and will probably be checking back soon. Pls appear at my website likewise and figure out what you believe. 157753

Comments are closed.