Kaye Nebre Martin
Dream big and have a vision. Sabi nga sa kantang A Million Dreams mula sa The Greatest Showman, “A million dreams are keeping me awake. I think of what the world could be. A vision of the one I see.” Why not? Libre namang mangarap kaya lakihan mo na. Pero bago ang lahat, sagutin muna natin ang tanong ni Diana Ross: “Do you know where you’re going to?” Kung walang direksyon ang buhay mo, wala ka ring mararating. Dapat, may clear vision ka ng gusto mong ma-achieve.
Tandaan mong hindi ipinamimigay ang tagumpay. Pinagtatrabahuhan yan. Halimbawa, nagsimula ako sa pagiging call center agent na P11,000 lang ang sweldo at panggabi pa. Tapos, nalaman kong fly-by-night pala yung kumpanyang pinagtatrabahuhan ko at muntik pa kaming mademanda lahat. No one learns how to bake overnight.
Bilang negosyante, magkakamali tayo at matututo tayo sa mga pagkakamalaiing yon.
Mahalagang magtrabaho ka ng may paninindigan. Hindi totoo yung shortcut. Kapag ginawa mo yan, half-baked ang trabaho mo dahil hindi mo dinaanan ang mga challenges. Kung baga sa kanin, pwede mo siyang lutuin sa kalan o sa rice cooker ng 20 minutes pero hindi pwede sa microwave ng 5 minutes lang. Matuto kang maghintay. Build your character, at pahalagahan mo ang tiwalang ibinibigay s aiyo ng lahat. Mahirap at matagal gumawa ng tiwala, pero napakadali nitong sirain.
Ang negosyo ay negosyo. Iwan ang emosyon sa bahay. Hindi lugar ang workplace para sa mga drama sa buhay. Or else, lalayo s aiyo ang success.
Gawin mo ring habit ang self-discipline. Hindi lahat ng gusto mo ay pwede mong gawin o bilhin. Kaag nagtagumpay ka na, doon mo gawin ang lahat ng gusto mo at wala nang kukwesyon sa’yo. Yet, Live a life. Tao ka pa ring nangangailangan ng break lalo na kung pagod na ang utak at katawan mo. Kung may ekstra pang oras, mamasyal at kilalanin ang iba pang tao sa paligid. Marami kang matututuhan sa travel and explore experiences.
Huwag kang makuntentong kumportable na ang buhay mo. May mga oportunidad na naghihintay sa mga lugar at pagkakataong hindi ka pamilyar. Every day is a learning day. Matuto ka sa pagkakamali ng iba.
For sure marami kang hirap na pagdadaanan. Mas mahirap, mas malaki ang posibilidad na magtagumpay. Natural lamang na mapansin natin ang taong matagumpay pero hindi natin alam kung ano ang dinanas nila bago nila narating ang kung anumang meron sila ngayon.
At sana lang, sa mga darating na panahon, kapag nakuha mo na ang gusto mo, manatili sanang nakayapak ang mga paa mo sa lupa. Kasi, lahat ng meron tayo ngayon ay hiram lamang. Anytime, pwedeg bawiin iyan sa atin kung hindi natin ia-appreciate. KNM