MANGGAGANTSO KALABOSO

arestado

BULACAN – MATAPOS ang halos isang linggong surveillance nadakip sa pamamagitan ng via warrant of arrest ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng Barangay Intelligence Network (BIN) ang isang estafador.

Sa report na ipinadala ni PMaj. Rito Rebuala kay PNP Provincial Director P/Col. Emma Libunao kinilala ang inarestong suspek na si Yukiko Sy Amacio nasa hustong gulang residente ng Marilao.

Dinakip si Amacio sa pamamagitan ng warrant of arrest na inilabas ng Municipal trial court ng San Jose City branch 1 sa kasong large scale estafa at BP 22.

Nabatid na modus ng suspek na mag-order nang iba’t ibang uri ng kalakal tulad ng bigas, furnitures, appliances at gumagamit din ng iba’t ibang pangalan sa kanyang mga katransaksiyon.

Tinatayang aabot sa higit P5 milyon ng applainces at bigas ang natangay ng suspek sa kanyang mga naging biktima.

Kabilang sa biktima ni Amacio si Gng Ghie Diaz, 45, ng Malolos City na binigyan ng P90,000 na talbog na cheke na ba­yad  sa kanyang puwesto para gawing salon. THONY ARCENAL