AKLAN-NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang isang manggagawa sa isla ng Boracay.
Sa isang pahayag sinabi ni Malay, Aklan Acting Mayor Frolibar Bautista na ang naturang COVID-19 patient ay isa sa 59 na mga mangga-gawang isinailalim sa swab testing.
Ani Bautista, ang naturang manggagawang nagpositibo sa COVID-19 ay araw-araw na umuuwi sa kanyang pamilya matapos ang trabaho kaya’t mas mabilis itong dinapuan ng virus.
Kasunod nito, agad nagsagawa ng contact tracing ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan para matukoy kung sino-sino ang mga nak-asalamuha ng naturang COVID-19 patient. DWIZ 882
Comments are closed.