MANGGAGAWA TUTULUNGAN NG TESDA

TESDA-1

TUTULUNGAN ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)  ang mga employer at manggagawa para sa epektibo at maayos na pagpapatupad ng mga Technical Vocational Education and Training (TVET) programs at paghahatid ng serbisyo.

Ito ay makaraang lagdaan ni TESDA Director General, Secretary Isidro Lapeña, ang “Implementing Guidelines on the Establishment of Institutional Arrangements with Industry Boards (IBs)  or Industry Associations (IAs)”.

Layon nito na kilalanin ang Industry Associations bilang kaagapay sa pagpapatupad ng mga TVET program.

Nabatid na ang mga industriya na saklaw nito ay ang Key Employment Generators tulad ng Construction, Tourism, Agri-business, Wholesale and Retail, Health and Wellness at Automotive/Transport.

Idinagdag pa na ang mga mapipiling IBs o IAs ang siyang magsisilbing kinatawan ng industriya sa pagplano at pagpapatupad ng mga proyekto, programa at mga aktibidades sa TVET ng TESDA.