MANGINGISDA INABANDONA  NG PAMILYA, NAGBIGTI

bigti

QUEZON – WALA nang buhay nang matagpuan ng kanyang kaanak ang isang mangingisda matapos magbigti gamit ang kawad ng koryente sa loob ng kanyang bahay sa  Sitio Masagana, Brgy. Talao-Talao, Lucena City.

Kinilala ang nagpatiwakal na si Freddie De Castro, 40-anyos, at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa kapitbahay ng biktima, Lunes ng umaga ng huli nilang makitang buhay si De Castro na nakahiga sa duyan sa harapan ng kanyang bahay, matapos nito ay halos dalawang araw na nilang hindi ito nakikita.

Base sa imbestigasyon ng Lucena-PNP, tinatayang tatlong araw nang nakabigti ang biktima sa loob ng kanyang bahay dahil nagdudulot na ito ng mabahong amoy.

Base sa salaysay ng kapatid na babae ni De Castro, simula ng mamatay ang isa nitong anak at iwanan ng asawa kasama pa ang isa nitong anak ilang buwan na ang nakalilipas, kanilang napansin na lagi itong tulala at kinakausap ang sarili. Hindi na rin ito lumalaot sa dagat para mangisda at maghanap buhay. BONG RIVERA

One thought on “MANGINGISDA INABANDONA  NG PAMILYA, NAGBIGTI”

Comments are closed.