RIZAL-LAGLAG sa mga awtoridad ang isang mangingisda makaraang maaktuhan na nagbebenta ng mga ilegal na droga sa Cardona sa lalawigang ito.
Kinilala ni Rizal Police Provincial Director Col. Dominic Baccay ang suspek na si Mark Glenn Gonzaga, alias Glenn, 24-anyos at residente ng Barangay Calahan ng nabanggit na bayan.
Nabatid na nasakote ang suspek dakong alas-11:50 ng gabi kamakalawa nang magsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Cardona Municipal Police at mabentahan ng shabu ang nagpanggap na pulis officer sa Buklod Pangarap corner Diversion Road, Barangay Calahan .
Narekober sa nasabing operasyon ang 10 pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 23.19 grams na may street value na P157,760.00.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Cardona Municipal Police Station custodial facility at nahaharap sa kasong violation of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Provincial Prosecutor’s Office Taytay, Rizal. ELMA MORALES