SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 ang mangingisdang una nang nag-turn over ng 34 na bloke ng cocaine sa Tandag City Police Station sa Surigao Del Sur.
Nadiskubre ng mga pulis na bukod sa itinurn over niyang mga cocaine nagtago pala ito ng anim na bloke ng cocaine at ibinenta.
Naramdaman ng mangingisdang si Arpilleda Navales, 48-anyos, na subject na siya sa surveillance ng mga pulis kaya napilitan itong ibalik ang 4 na bloke ng cocaine habang sinabi nitong ang 2 bloke ay iplinash niya sa toilet bowl.
Sa ngayon nakakulong si Navales sa Tandag City Police Station habang inihahanda ang mga dokumento para sa kaso nito.
Ang mga bloke ng cocaine ay nakita ni Navales na palutang lutang sa karagatang sakop ng Surigao del Sur.
Sinabi naman ni Police Brigadier General Gilberto Cruz, Regional Director ng PNP-Caraga na magsilbi sanang araw sa ibang mangingisda ang nangyari kay Navales. REA SARMIENTO
Comments are closed.