LAGUNA – NALUNOD ang 40-anyos na mangingisda matapos umanong maipit ng malaking bato sa Kay-anlog River, Brgy. Kay-anlog, lungsod ng Calamba.
Sinasabing makaraang magpasiyang mangisda sa lugar ang biktimang si Arnulfo Pagsit noong nakaraang Sabado ng umaga habang nag-iisa hindi umano inaasahang maipit ito ng malaking bato dahilan ng kanyang pagkalunod.
Dahil dito, agarang ipinaabot ng pamilya sa Brgy. at pulisya ang hindi inaasahang pagkawala ng biktima.
Sa pamamagitan ng mga kagawad ng Barangay Quick Response Team (BQRT) Local Disaster Risk Reduction Management Division (LDRRMD) at Bureau of Fire Protection (BFP) agarang nagkasa ang mga ito ng Retrieval and Rescue Operation sa lugar para mailigtas ang biktima.
Samantala, makaraan ang mahabang oras na paghahanap ng mga ito sa ilog sakop ng matarik na kabundukan, hindi narin na-rescue at na-retrieve ang biktima sa lugar.
Pasado alas 12:00 kinabukasan ng tanghali ng makita at tuluyang narekober ng mga ito ang bangkay ng biktima gamit ang mahabang lubid habang nasa pagitan ito ng malaking bato. DICK GARAY
601069 678547A thoughtful insight and suggestions I will use on my blog. Youve obviously spent a great deal of time on this. Thank you! 564174
619454 504589Aw, this is an extremely good post. In thought I would like to put in place writing like this moreover – spending time and actual effort to create a excellent article but exactly what do I say I procrastinate alot through no indicates seem to get something accomplished. 789698