MANGINGISDA NASAWI SA IMPROVISED EXPLOSIVE

IMPROVISED EXPLOSIVE

ALBAY – Nalasog ang katawan ng 31-anyos na mangingisda makaraang masabugan ng improvised explosive sa pangingisda sa karagatang sakop ng Sibanban Island, Brgy. Denrica sa bayan ng Garchitorena, kamakalawa ng umaga.

Naiuwi ng kasamahang mangingisda ang gutay na kåtawan ng biktimang si Jeffrey Tablizo Revira ng Brgy. Binagasbasan kung saan sinalubong ito ng kanyang pamilya.

Sa salaysay ng ama na si Ramon Revira, pumalaot ang anak na biktima kasama ang isa pang mangingisda na alyas Taba kung saan bitbit ang ilang improvised explosive sa pangingisda.

Gayunman, bandang alas-2 ng hapon, bumalik si alyas Taba na bitbit nito ang duguang bangkay ng biktima na sinasabing bago pa naihagis ang pampasabog ay pumutok na ito sa kanyang kamay.

Sa pagsusuri ni Dr. Gregorio Cordoviz ng Garchitorena Municipal Health Office sa bangkay ng biktima, lumilitaw na internal hemorrhage ang ikinamatay ng biktima dahil sa matinding pagsa­bog. MHAR BASCO

Comments are closed.