NABABAHALA at natatakot ang mga mangingisda na baka mawalan sila ng ikabubuhay at maging ang mga kainan sa mga lugar na kalapit ng kinukuhanan ng tawilis na baka mabawasan ang kanilang kita dahil sa pagkawala ng isa sa best-selling dishes sa kanilang menu.
Ayon sa isang report, matagal nang naipatupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang patakaran para mapigilan ang pangingisda ng tawilis.
Inanunsiyo kamakailan ng International Union for Conversation of Nature (IUCN) na ang tawilis ay nanganganib na mawala at ang Provincial Environment and Natural Resources Office ay nakatakdang magdeklara ng closed season ng tawilis sa darating ng buwan.
“Magkakaroon ng closed season sa pag-harvest ng tawilis sa buwan ng Marso at Abril,” sabi ni Elmer Pascos ng PENRO.
Sinabi naman ni Environment Undersecretary Benny Antiporda na magdedeklara ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng “preservation area”.
Sinabi ng BFAR na ang pagsisikap na mapanatili ang uri ng isdang ito ay nakapuwesto na mula pa noong 2013.
“Ito ay area na kung saan hindi puwedeng mangisda doon ng tawilis,” paliwanag ni Dr. Ma. Theresa Mutia, chief aquaculturist of the National Fisheries Biological Center.
“We have identified already kung saan nakikita ang mga larvae so ‘pag nakakita ka ng larvae, ibig sabihin, du’n sila nangingitlog,” sabi niya.
Inaasahan naman ni Felicisimo Malabanan na nagbebenta ng tawilis sa mga kainan sa Tagaytay ng P130 bawat kilo, na kikita ng P16,000 para sa isang araw na huli.
“Huwag naman sanang mangyaring ipagbawal ho… Tawilis lang ho ang ikinabubuhay namin,” ani Malabanan.
Masamang balita ang closed season ng tawilis para sa mga kainang lokal kung saan bumibiyahe pa ang mga kostumer papuntang Tagaytay at umaasang makakakain ng tawilis kasabay ng signature bowl na bulalo.
“Best-seller talaga namin siya maam,” kuwento ng isang restaurant worker.
“‘Pa’no na kami kami kakain ng bulalo? ‘Di kami kakain ng bulalo kung walang tawilis,” sabi raw ng kanyang kostumer.
Sinnabi ni Environment Undersecretary Benny Antiporda, na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay magdedeklara ng preservation area.
“May area na kung saan hindi puwedeng mangisda roon ng tawilis,” dagdag pa ni Dr. Ma. Theresa Mutia.
Comments are closed.