AABOT 1,056 rehistradong mangingisda sa Navotas ang nakatanggap ng salapi at pagkain mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Pinagkalooban ang mga benepisyaryo ng P3,000 cash voucher na makukuha sa MLhuillier at P2,000 halaga ng pagkain kabilang ang 25-kilo sako ng bigas, dalawang manok at dalawang tray ng itlog.
“We are grateful to the Department of Agriculture and BFAR for extending help to our fisherfolk. Navotas is the first local government in Metro Manila to receive such assistance,” ani Mayor Toby Tiangco.
Hanggang Agosto 2020 ay nasa 8,811 ang naitalang rehistradong mangingisda sa Navotas kung saan 7,291 ang kuwalipikado sa BFAR subsidy nang magsagawa ng cross matching ang ahensiya sa iba pang government assistance programs.
Kabilang sa mga kwalipikadong benepisyaro ang mga fishing crew, tindero at negosyante ng isda, mga istibador, fish farmers, at iba pang nasa pangisdaan ang hanapbuhay.
Nag-alok din ang BFAR ng aabot sa P25,000 pautang na walang kolateral at interes sa 577 Navoteñong mangingisda ang nag-apply sa programa. VICK TANES
Comments are closed.