UPANG lumakas ang produksyon ng mangga na inilalabas ng bansa, ipinanukala sa Davao del Sur ang pagtatatag ng laboratory na tutukoy sa chemical residue level ng mangga.
Ang konstruksyon para sa mango lab ay bahagi ng paghahanda sa pagpapalakas ng pagluluwas ng iba;t ibang prutas sa New Zealand at iba pang merkado sa labas ng bansa.
Sinabi kamakailan ni Delia M. Ayano, Department of Trade and Industry director for Davao del Sur, na ang mga stakeholder ay nagsimla nang magbalangkas ng proposal.
“There are groups planning to sell their mangoes abroad, so the proposed laboratory will help them meet the standards that the international markets will set up,” ayon kay Ayano.
Dagdag pa ni Ayano na si Vicente T. Lao, honorary consul ng New Zealand sa Mindanao at chair ng Mindanao Business Council, ay siyang point person sa nasabing proyekto.
Inihayag naman ni Lao na ang pasiliudad ay nasa planning stage pa lamang at tumutulong din ang New Zealand para sa pagbalakangkas sa proposal.
“It is still in the planning stage, but I hope this will be realized,” ayon kay Lao.
Sa record, mahigil 77% ong 53,355 metric tons ng mangga ang napo-produce ng Davao Region noong 2018, batay sa Philippine Statistics Authority.
Ang pagtatatag ng regional mango council ay sinimulang planunhyin noong November 2019 sa iang forum na inorganisa ng Mindanao Development Authority (MinDA)para pag-usapan ang best practices para mapaganda ang crop production.
Layunin ng council na magkaroon ng link sa iba pang mango groups sa Mindanao.
Lumagda na rin ang pamahalaan sa pamamagitan ng MinDA, (Department of Agriculture Mindano) sa three-year co-investment project sa New Zealand Embassy at sa NZ G2G Partnerships Ltd. para sa mango exports. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.