COTABATO-ISANG manhunt operation ang inilunsad ng mga awtoridad laban sa isang High Value Target (HVT) drug dealer na nakatakas matapos na makipagbarilan sa inilunsad na anti-drug operation sa lalawigang ito.
Kinilala ng North Cotabato Provincial Police Office ang suspek na si Ebrahim Samama, pugante mula sa North Cotabato District Jail (NCDJ) na , sangkot sa large scale illegal drug trade sa North Cotabato at Maguindanao.
Sa ulat ng Pigcawayan PNP, naglunsad ng anti-drug operation ang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12), 34th Infantry Battalion Philippine Army at Cotabato PNP sa tahanan ng suspek.
Subalit, bago pa tuluyang malapitan ng mga awtoridad ang kanilang target ay natunugan na sila ng suspek at agad na pinaputukan nito ang raiding team na tumagal ng ilang minuto hanggang sa makatakas ang grupo ni Samama.
Narekober sa bahay ng suspek ang anim na motorsiklo,isang multicab,dalawang malalaking pakete ng shabu,(1) M16 armalite rifle with M203, (2) rifle grenade, (3) 40mm HE ammo, (1) hand grenade at (1) M16 magazine (Short) loaded with twenty ammunitions at isang handheld 2 way radio. VERLIN RUIZ
Comments are closed.