MANIFESTATION OF SUPPORT OF SENATOR CHRISTOPHER BONG GO DURING THE PUBLIC HEARING OF THE SENATE COMMITTEE ON NATIONAL DEFENSE 15 MAY 2023 RE: MILITARY AND UNIFORMED PERSONNEL PENSION REFORM

Mr. Chair, dear colleagues, and all the resource persons in attendance, good day to all of you. May I just share a few thoughts on the bills included in the agenda today.

Mr. Chair, I would like to put into record that I have always been supportive of our uniformed personnel even before I became a Senator. Their unparalleled service, bravery and heroism should be truly commended and reciprocated.

Buhay ang isinasakripisyo nila para mapanatili ang seguridad ng bansa. Iba po ang sakripisyo nila dahil buhay po ang nakataya dito.

It is for this reason that I assure every uniformed personnel that I will only push for or support any measure which will be for the betterment of our uniformed personnel. Kahit isang boto lang ako dito, palagi kong ipaglalaban kung ano pong makakabuti sa mga nagseserbisyo sa bayan.

Nabanggit po kanina ni Secretary (Carlito) Galvez, what is fair and equitable lang po sana.

Let me be clear, naiintindihan ko ang concerns ng ating mga finance managers, nanggaling din po ako sa Executive noon, talagang nababahala ang DOF, (Department of Budget and Management), nababahala sila kapag kulang ang pondo. Kapag nagkakaroon na po ng problema sa pondo, sila po ang inaatasan ng Presidente na maghanap ng pondo at saan kukunin ito. Naiintindihan ko po ang trabaho ng ating finance managers.

We all want to address the ballooning pension requirement and prevent a looming budget disaster. Pero para sa akin, Mr. Chair, huwag sana itong gawin at the expense of the military and all uniformed personnel na nagbubuwis ng buhay at nagsakripisyo. Ibahin po natin ang pagkonsidera sa kanila, na exemption naman po, dahil sa totoo lang po, iba ang trabaho nila. Buhay po ang tinataya nila para mapanatili ang seguridad ng ating bansa. Kunsuwelo na po sana yan sa ating military at uniformed personnel.

With all due respect, maghanap na lang po tayo ng ibang pagkukunan ng pondo kaysa galawin natin ang natatanggap ng active service at obligahin sila na magbayad ng mandatory contributions o ibahin ang pension na matatanggap nila. Huwag naman ho sana.

Pwede naman po sana, ayusin natin ang pagkolekta ng buwis at siguruhin natin na walang mapunta sa korapsyon.

Tanggalin natin ang korapsyon sa gobyerno. Siguraduhin na walang mga under the table. At paghusayin ang pagkolekta ng buwis. I urge the Bureau of Internal Revenue and Bureau of Customs to collect taxes and customs duties properly and more efficiently. Eliminating corruption in government should be enough to cover for the pension requirement.

We can also impose higher taxes on luxury goods, dahil mayayaman naman po ang bumibili nyan. Pwede pong i-increase natin ang sin tax. With this, we can also protect the health of our people.

Mr. Chair, tinaasan natin ang sahod ng uniformed personnel noong panahon ni pangulong Duterte. Dinoble natin ang sahod ng entry-level positions. Pinaghirapan natin ito noong 2017. Na-implement po ito noong 2018 sa tulong ng ating mga kasamahan sa Kongreso. Ako mismo po ay kasama doon at pinaghirapan natin ito na makumbinsi ang mga kasamahan natin sa Kongreso.

At ako po mismo ang inatasang makiusap sa mga mambabatas noon dahil iyan po ay ipinangako ni dating president Duterte. Natupad po ang kanyang ipinangako, kaya hindi po ako susuporta kung masasayang ang pinaghirapang dagdag sahod na iyon. Huwag naman po tayo bigay-bawi. Pinasarap pa natin sila, ngayon babawiin natin.

Karamihan sa kanila ay may pinaglalaanan na ng pera, ‘yung iba diyan ay expecting na sa matatanggap nila once they retire. Binigay na natin sa kanila, yung iba nakaplano na, nangutang na, nakapag-loan na, nag-installment para sa future ng mga anak, nakaplano na lahat yan, tapos ngayon o-obligahin sila magcontribute. Huwag naman po sana.

Huwag nating baguhin ang sistema sa kalagitnaan. Sa ibang bansa tulad sa United Kingdom, hindi po inoobliga na magbigay ng mandatory contribution ang kanilang military.

Sa totoo lang, Mr. Chair, iyong iba pinipili na lang na mag-early retirement dahil natatakot sila na baka tamaan sila ng isinusulong na bagong batas, iyon po ang naririnig ko. Naaapektuhan ang kanilang peace of mind at maaaring hindi sila maka-focus dahil sa mga usapin na ito.

Kung saka-sakali mang may gagawing reporma sa pension ng military para maiwasan ang pagkakaroon ng financial disaster in the long run, dapat po ay applicable lang ito sa new entrants o mga bagong papasok sa military. Dahil ang mga new entrants alam nila ang mga kondisyones, alam nila ang pinapasok nila, alam nila kung anong rules ang kanilang susundin. Let us spare the retired and active personnel bilang pagkilala sa sakripisyo na ginawa at ginagawa nila sa bayan. Konsuwelo na po nga para sa kanila.

Ako ang unang tututol kung mabawasan o maapektuhan ang mga benepisyo ng uniformed personnel at retirees.

Ibigay natin parati kung ano po ang dapat para sa kanila, lalo na sa mga kababayan nating nagbubuwis ng buhay para tayo ay mabuhay ng ligtas at matiwasay.

Iyan ang aking parating stand at palagi kong ipaglalaban ang karapatan ng ating military at uniformed personnel.

Katulad sa healthcare workers benefits, nagsalita ako noon dito sa Senado dahil delayed ang natatanggap na COVID-19 death at sickness benefits. Matagal po nilang natanggap. Dapat nga po ihatid sa mga bahay nila yung mga benefits nila dahil nagluluksa ang mga namatayan. Ibigay natin what is due to them.

Rest assured that I will only push or support measures that will be for the betterment of the military and uniformed personnel at lahat po ng kawani ng gobyerno na nagseserbisyo po sa bayan.

Tulad noon sa panahon ni dating pangulong Duterte, full support po ako sa military. Until now po, nandirito lang po ako.

I appeal to our Executive agencies and this Committee to study and evaluate the proposals carefully. I believe our very able Chairman, Senator Jinggoy Estrada, and, of course, Senator Bato dela Rosa, naiintindihan po niya ang sitwasyon ng ating mga uniformed personnel. At kay Senator Jinggoy, our chairman, will do his best to find balance in this and will consider the welfare and livelihood of our men and women in uniform.

Maraming salamat po, Mr. Chair.