MANILA BAY DINAGSA

Manila Bay

DINAGSA  ng publiko ang kontrobersiyal na white sand area ng Manila Bay araw ng Linggo.

Binuksan  ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Manila Bay kaalinsabay ng pagdiriwang ng International Coastal Cleanup Week.

Halos hindi mahulugang karayom ang pila ng mga nagnanais kumuha ng souvenier mula sa magandang tanawing hatid ng white sand area .

Gayunman, hindi na nasusunod ang physical distancing dulot na rin ng posibleng banta ng coronwavirus disease 2019 (COVID-19).

Hanggang Linggo lamang bukas ang bahaging iyon ng Manila Bay at muli itong isasara para ipagpatuloy ang ginagawang pagtatambak ng dinurog na dolomite sand sa nalalabing bahagi ng pampang.

Comments are closed.