DESIDIDO na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isailalim sa rehabilitasyon ang Manila.
Ito ay makaraang tanggapin ni Environment Secretary Roy Cimatu ang hamon para sa paglilinis ng Manila Bay.
Kasabay nito, nangako si Cimatu na magkakaroon ng ibang tanawin sa Manila Bay sa Pasko sa susunod na taon.
Aniya, agad na siyang makikipagpulong sa mga kinauukulang ahensiya para masimulan na ang rehabilitasyon sa unang buwan ng Bagong Taon.
Paliwanag ni Cimatu, pagsusumikapan nila na maibaba ang coliform level sa Manila Bay sa ‘100 most probable number per 100 milliliters’ para maging ligtas na ang tubig nito sa mga nais maligo.
Sa ngayon, napag-alaman na ang coliform level sa Manila Bay ay nasa 333 million MPN/100 ml.
Ibinahagi ng opisyal na ang mataas na coliform level ay dahil sa mga dumi na nagmumula sa mga estero sa Metro Manila, kasama na ang Pasig River.
Ipinaliwanag naman ni Enviroment Usec. Sherwin Rigor ang unang diskarte na gagawin nila ay ang paglalagay ng silt curtain sa mga estero para maharang ang mga dumi at hindi na umagos palabas ng Manila Bay.
Ngunit, inamin ni Rigor ang balakin na ito ay panandaliang solusyon lang.
Comments are closed.