MANILA BAY REHAB SIMULA NA

MANILA BAY REHAB-2

UMARANGKADA na ang paglilinis sa Manila bay bilang bahagi ng rehabilitasyon nito.

Alas-5:00  pa lang  ng madaling araw nang magsimula ang rehabilitasyon sa pamamagitan ng isang ser-emonya sa Quirino Grandstand sa Rizal Park sa Maynila.

Pinangunahan ni Environment Secretary Roy Cimatu ang aktibidad kasama sina Tourism Secretary Ber-nadette Romulo-Puyat, Public Works Secretary Mark Villar, acting Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio at Metropolitan Manila Development Authority Chairman Danilo Lim. Dumalo rin sina DILG Secretary Eduardo Año,  National Security Adviser Hermogenes Esperon, PNP Chief  Oscar Albayalde, National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar at marami pang iba.

Nasa 5,000 volunteers naman ang lumahok sa solidarity walk na sinundan ng paglilinis  sa baywalk area.

Kasabay  ito ng paglulunsad  din ng clean-up activities sa Bulacan, Pampanga at Bataan.

RESTAURANTS IPINADLAK

Inisyuhan na ng notice of violation ng Laguna Lake Development Authority  (LLDA) ang ilang establi-simiyento na nagdudulot ng polusyon sa Manila bay.

Ayon kay DENR undersecretary Benny Antiporda, bagsak sa coliform level na  nagdudulot ng polusyon  sa Manila bay ang mga establisimiyentong ito.

Unang inisyuhan ng cease and desist order ang Aristocrat restaurant sa Malate, Manila,  sumunod  ang Gloria-Maris at Espla-nade.

Tiniyak ng DENR na masususpinde ang Environmental Compliance Certificate ng mga establisimiyen-tong ito at ang mayor’s permit sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government.

Mismong si DENR Secretary Roy Cimatu ang nangu­na sa paghahain ng notice of violations sa mga busi-ness establishment.

Ang ibang establisimiyento na nakitaan din ng mga paglabag kabilang ang mga hotel ay sasailalim pa sa validation.            DREW NACINO-DWIZ882

Comments are closed.