MANILA COVID-19 FIELD HOSPITAL 70 % NA ANG OCCUPANCY RATE

NASA 70 porsiyento na ang occupancy rate ng Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta simula nang magsimula ito ng operasyon noong Hunyo 25 .

Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno, ang 344-bed ay 70 porsiyentong puno na kaya’t umapela ito sa mga residente na patuloy na sundin ang basic health protocols sa gitna nang tumataas na kaso ng Delta variant sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Kasabay nito, pasasalamat ang alkalde sa libo-libong nag-volunteer sa panawagan nito sa paglulunsad ng ‘Bayanihan sa Maynila’ para sa paglulunsad ng 24/7 vaccination program na gagawin sa tatlong sites sa bawat isang distrito ng Maynila.

Aniya, ang mga nag-volunteer na maging bahagi ng vaccina­ting teams ay sasailalim sa orientation bilang paghahanda sa pagbabakuna.

Ang lungsod ng Maynila ay nagsasagawa ng kanilang pagbabakuna sa 18 vaccination sites na kinabibilangan ng mga public schools at apat na shopping malls.

Karaniwan ng ginagawa ang vaccination sa loob ng 14-oras at ito ay maging holidays at weekends kapag available ang bakuna.

Kaugnay nito, ginawa naman ang second dose night vaccination sa Divisoria, Recto mula alas-5 ng hapon hanggang alas-5 ng umaga para sa mga nagtatrabaho sa umaga sa palengke tulad ng mga vendors, errand boys, kuliglig drivers at iba pang manggagawa sa Divisoria Night Market.
VERLIN RUIZ

8 thoughts on “MANILA COVID-19 FIELD HOSPITAL 70 % NA ANG OCCUPANCY RATE”

  1. 419780 597679Wow, incredible weblog layout! How long have you been blogging for? you make blogging look effortless. The overall look of your web site is wonderful, as effectively as the content material! xrumer 805559

Comments are closed.