INANUNSYO ni Mayor Honey Lacuna na ang ‘The Manila Film Festival (TMFF)’ ng lungsod ay tumatanggap na ng entries para sa short film.
Dahil dito ay tinatawagan ni Lacuna ang lahat ng student filmmakers edad 18 pataas na lumahok, ito ay matapos buhayin ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng department of tourism, culture and the arts (DTCAM) sa pamumuno ni Charlie Dungo, ang TMFF bilang lively, creative hub for cinema.
Ayon sa alkalde, mayroong awarding ng ‘Gawad Maynila’ film grant sa promising Filipino independent filmmakers. Ang deadline ng submissions ay sa February 29, 2024 at ang lahat ng interesado ay maaaring bumisita sa www.themanilafilmfestival.com upang malaman ang buong detalye at mechanics, dagdag ni Lacuna.
Ayon kay Dungo, ng submission of entries ay bukas sa lahat ng bonafide students mula sa private at state colleges at universities sa buong bansa.
Sinabi pa nito na ngayong taon, ang tema ng TMFF 2024 ay ang ipagdiwang ang Maynila bilang ‘City of Infinite Possibilities and A Thousand Tales.’
Bagamat ang konsepto ng istorya ay dapat sa mismong aktwal na lugar sa Maynila, ina-acknowledge na mayroong Maynila na naninirahan sa “Sphere of Dreams and Aspirations in the minds of Filipinos everywhere -all around our islands and even in the hearts of Pinoys abroad,” ayon kay Dungo.
Ang entries ay dapat na may target running time na hindi bababa sa 15 minuto at hindi lalagpas sa 20 minutes (kasama na dito Ang opening at closing credits). Ang lahat ng interesado na magsumite ng kanilang entries ay maaaring mag-submit sa online sa www.themanilafilmfestival.com,” dagdag pa nito.
Nabatid kay Dungo, na ang lahat ng interesado ay kailangang magsumite ng mga sumusunod na requirements:story paper of the project containing the basic premise of the film; a short document stating the current stage or phase of the entries – (e.g., either Story/Script Development, Pre Production/Planning-kindly select only one of the two stages);a one-page synopsis/storyline of the film project; resume of the proponent/s;sample production work by the proponent (preferably as Director);two recent photos of proponent/s; related material based on above identified Production Phase, as follows: either a full shooting script or a highly detailed treatment; production plan; casting details; location details;production crew/staff details; equipment details.
Lahat ng mga interesadong partisipante ay maaaring magsumite ng hanggang tatlong entries.
Gayunman man isa lamang entry sa bawat proponent ang Iko-consider na finalist.
Ang mga gawa sa principal photography o post-production phase bago mag February 29, 2024 ay disqualified. VERLIN RUIZ